Financial aid sa ECQ, ‘di nakalilimutan ng Malakanyang

Financial aid sa ECQ, ‘di nakalilimutan ng Malakanyang

July 22, 2021 @ 9:17 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Siniguro ng Malakanyang, Miyerkoles, ang mga Filipino na nakatira sa mga lugar na nakasa ilalim sa enhanced community quarantine na may matatanggap silang ayudang pinansyal.

Matatandaan na ang mga residente na naapektuhan ang mga kabuhayan dahil sa ECQ laban sa COVID-19 ay aayudahan ng gobyerno.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque na ang financial assistance ay darating “in due course.”

Particular na mabibigyan ng financial aid ang mga residenteng apektado ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro, at Gingoog City na ngayon ay nakasailalim sa ECQ.

“Hindi po kayo nakakalimutan ng Presidente,” pagsisiguro ni Roque.

 “Magbibigay po sa takdang panahon ng ayuda.”

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na wala pang pinal na desisyon ukol dito pero siniguro niya na hindi hinahayaan ng Pangulo na isailalim ang isang lugar sa ECQ kung walang maibibigay na ayudang pinansyal. RNT


  •  
  •  
  •