Firecracker injuries, 52 na! – DOH

Firecracker injuries, 52 na! – DOH

January 1, 2023 @ 8:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumampa na sa 52 ang kumpirmadong kaso ng firecracker injuries hanggang nitong bisperas ng Bagong Taon, Disyembre 31.

Ito ang iniulat ng Department of Health kung saan mayroon agad 11 kaso ang nadagdag sa loob lamang ng isang araw.

Ang tally ay mula sa mga natanggap nilang ulat sa sentinel hospitals sa Metro Manila at Western Visayas hanggang alas-6 ng umaga nitong Sabado.

Mas mataas ito ng 40 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

“Maaaring tumaas pa ang bilang na ito,” ani Health Undersecretary Eric Tayag

“Kaya ngayon po, kami ay umaapela sa aming kababayan na hindi na po madagdagan ang bilang ng maaaksidente sa paputok,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa DOH, ang median age ng mga naitalang biktima ay 11.

Sa panayam naman ng CNN Philippines kay Tayag nitong Biyernes, Disyembre 30, karamihan sa mga pinsala ay eye injuries dahil sa boga.

Sa kasalukuyan, ayon k Dr. Bernadett Velasco, director ng DOH Health Emergency Management Bureau, ay wala pang naitatalang insidente ng ligaw na bala o pagkamatay dulot ng firecracker accidents. RNT/JGC