Firecracker-related injuries surveillance ng DOH ikinasa na

Firecracker-related injuries surveillance ng DOH ikinasa na

December 6, 2021 @ 3:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang kanilang surveillance kaugnay sa firecracker-related injuries.

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay wala pang pumapasok sa system ng DOH.

Kaugnay nito, inilusad ng DOH ang Ligtas Christmas for Healthy Pilipinas kung saan kasama sa kampanya ang iwas-paputok sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Inirerekomenda naman ng DOH na gumamit na lamang ng alternatibo maliban sa pagpapaputok sa pamamagitan ng pag-iingay.

Maari din aniyang sumali sa community fireworks display  at manood para makaiwas sa injury ngayong holiday season.

Paalala rin ni Vergeire, mahirap ang ganitong kaso ngayon lalo na ang mga resources ay patuloy na tumutugon sa coronavirus disease (COVID-19). Jocelyn Tabangcura-Domenden