Fireworks-related injuries sa bansa, tumaas pa ng 49% – DOH

Fireworks-related injuries sa bansa, tumaas pa ng 49% – DOH

January 4, 2023 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 277 ang bilang ng mga tinamaan ng ibat-ibang uri ng paputok sa bansa.

Kasunod ito ng karagdagan pang 15 na kasong naitala mula Enero 3 hanggang 4, 2023.

Ayon sa DOH, mas mataas na ito ng 49% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, na nasa 186 lamang.

Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa NCR, na may 131 na kaso; sinundan naman ito ng Region 6, na may 33; at Region 1 na may 25 cases.

Kwitis pa rin ang nangungunang sanhi ng pagtaas ng bilang ng fireworks-related injuries, habang sinundan naman ito ng boga, 5 star, at fountain. Jocelyn Tabangcura-Domenden