Fireworks-related injury sumampa na sa 137!

Fireworks-related injury sumampa na sa 137!

January 1, 2023 @ 1:51 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng 85 ang kaso ng fireworks related injuries sa bansa ,ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) ngayong unang araw ng Enero 2023.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa media forum na ginanap sa Baguio City General Hospital and Medical Center (BGHMC), kahapon ay nakapagtala lamang ng 52 kaso pero sa buong nagdamag ay nadagdagan ito kaya umabot na sa kabuuang 137 kaso ng fireworks-related injuries.

Batay aniya sa comparison report, mas mababa ng 15 percent ang kaso kumpara noong 2021 sa kaparehong panahon, habang mas mababa naman ng 46 percent kumpara sa 5 year average period.

Dagdag pa ng opisyal, batay pa rin sa comparison report mula sa mga rehiyon, ang National Capital Region ang may pinakamataas na bilang ng kaso sa parehong 2021 at 2022.

Sa Bicol, naitala ang pinakamalaking pagtaas ng mga kaso mula sa zero case noong 2021 habang nakapagtala ng iilang kaso rin sa Mimaropa at Mindanao.

Pitong rehiyon naman ang nakapagtala ng pagbaba ng fireworks related injury kabilang ang Region 3, 6, Calabarzon, 7 , 1, CAR, at BARMM.

Mga kalalakihan naman ang mas malaking bilang ng mga naputokan habang karamihan sa bilang ng mga kasong naitala ay mga nasa adolescent group o mga edad 12 Hanggang 17 taong gulang.

“Para naman po sa pagkukumpara ng kaso by nature of injury–pinakamataas Po ang bilang ng mga blast or burns with no amputation na bumubuo ng 67 percent ng total cases,” sabi ni Vergeire.

Pumapangalawa ang eye injury na bumubuo ng 30 percent ng total cases.

Habang panghuli naman ang blast o burns with amputation na bumubuo lamang ng 4 percent ng total cases.

Apat sa anim na blast o burn with amputation ay naputokan gamit ang legal na fireworks katulad ng whistle bomb.

Mas mababa naman ang nangangailangan ng amputation ngayong taon kumpara noong nakaraang taon, ayon pa kay Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden