First 4 na pasok sa MMFF 2018 list, alamin!

First 4 na pasok sa MMFF 2018 list, alamin!

June 30, 2018 @ 1:28 PM 4 years ago


 

Inanunsiyo na ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival ang unang apat na pelikulang pasok sa Official 8 entries sa MMFF 2018.

Pasok sa film fest ang “Aurora” ng Viva Films na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Hindi rin nagpahuli ang  “Fantastica: The Princes, the Prince and the Perya” ng ABS-CBN Productions Inc. at Viva Films, tampok sina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio at Maymay Entrata.

Habang pasok din ang first-tandem project nina Vic Sotto at Coco Martin na “Popo En Jack: The Puliscredibles”ng CCM Film Productions, MZET Productions at APT Entertainment.

Kinumpleto ng “Girl in the Orange Dress” ng Quantum Films at MJM Productions, starring Kim Chui, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby at iba pa ang list ng MMFF 2018.

Ang Selection Committee ay pinamumunuan ni National Artist Bienvenido Lumbera.

Mula sa 24 scripts, napili ang apat na pelikula base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Sensibility (10%) at Global Appeal (10%).

Ayon sa MMFF, ang apat pang pelikula na kukumpleto sa Official 8 ay pipiliin mula sa mga natapos nang pelikula na ang deadline ay sa September 21.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na mga short film na pasok sa entries. (Remate News Team)