Ang first date ay ang unang stage sa pakikipagrelasyon. Dito kasi tayo magkakaroon ng ‘first impression’ sa isang tao lalo na kapag dehins mo naman kilala yung ka-date mo. Pero paano nga ba girls para hindi naman ma-turn off si Pogi kapag niyaya ka niyang makipag-date?
Narito ang ilan sa mga tips na kinalap ng Remate News team para naman magkaroon pa ng ‘next time’ ang inyong date.
#1 Simpleng kasuotan
Bes, ‘wag ka agad magpaka-daring at magsusuot ng sexy dress dahil baka isipin niya, may night work ka sa Cubao o Recto. Pero ‘wag din sobrang Maria Clara dahil mainit sa Pinas. Dapat simple lang. Be yourself ika nga. Alamin din kung saan kayo pupunta para naman ‘belong’ ka sa okasyon o lugar ng date ninyo.
#2 Be Fresh
Hindi ito commercial ng sikat na menthol chewing gum ah. Oks lang naman kung may makeup tayo gurls pero dapat make sure din na hindi tayo hulas after rampa sa labas. Baka kasi mamaya, hindi na makakain yung ka-date mo dahil natakot na sayo.
Plus, siguruhin din na mabango tayo. At hindi masakit sa ilong o nananapak ang amoy. Ligo-ligo rin tayo bes.
#3 Enjoyin ang life
Lahat ng tao may problema sa buhay, so ‘wag agad dramarama sa life mo yung i-open up mo. Start with a topic like, how you enjoy life? O anong hobby at anong nagpapasaya sa’yo ngayon.
Umalis din muna sa pagiging workaholic. Alam kong #Work is life pero bes, date ito. ‘Wag laging tingin nang tingin sa phone na para bang mas mahal mo pa ata boss mo kesa sa love life mo.
Be some na e-enjoyin niya kasama dahil isipin mo, siya rin ay galling sa stress life.
#4 ‘Wag attitude
Dapat may good manner ka. ‘Wag pasaway. Huwag maglalaro ng food o huwag ipakitang hindi mo gusto yung kinakain ninyo. Huwag din naman masyadongmasiba dahil hindi naman ito feeding program ni mayor. Kalma lang sa pagkain bes. At siyempre, always say thank you lalo na kapag may mga gentleman gestures siya o nilibre ka niya ng food o may ibinigay sa’yo like flowers. Show appreciation.
#5 Huwag agad pakita ng motibo
Hindi ito minute to win it kaya kalma lang. Huwag agad maging dead-na-dead sa kanya at sabihin na go na kayo na. Siyempre, step by step. Hayaan mo siya to do the first move. May mga guys kasi na mabilis ma-turn off kapag alam nilang easy to get ka. This time, pairalin si Maria Clara.
Sa totoo lang, wala naman talagang perfect way para maging successful ang isang date. Ang mahalaga naman ay yung feeling ninyo sa isa’t isa at yung acceptance ng flaws o ng mga bagay na hindi maganda sa inyo.
Kaya naman, guide lang ito at huwag gawing scripted ang inyong date. Lagi pa ring tatandaan na #BeYourself!
Kumusta naman ang naging kauna-unahan mong date? Nagkaroon pa ba ito ng pangalawang pagkakataon? Hayaan mong malaman namin ito sa mga komento! (Remate News Team)