FIRST DATE (GUYS): Survival tips para hindi iwan ng chix

FIRST DATE (GUYS): Survival tips para hindi iwan ng chix

July 10, 2018 @ 3:58 PM 5 years ago


Mahalaga ang first date kasi para itong job interview. Importante ditto ang ‘first impression’ at kung papasa ka ba sa taste niya.

Kaya naman narito ang ilan sa mga tips na kinalap ng Remate News team para naman magkaroon pa ng ‘next time’ ang inyong date.

#1 Stay cool

Kalma ka lang pre. Huwag mong takutin si ate sa pautal-utal mong pagsasalita o sa mga malalaking butil ng pawis sa noo mo. Iwasang ipakita na balisa ka o ninenerbyos sa date niyo. Dapat makita niyang ready ka sa mga ganitong bagay.

#2 Be gentleman

Dapat sa lahat ng pag-uusap niyo, panatilihin at ipakita ang paggalang sa isang babae.Kung siya man ay nagsasalita pa, hintayin mo muna siyang matapos saka magsalita. Magpakita rin ng ibang gesture ng pagka-gentleman gaya ng pagbubukas ng pinto para sa kanya. Maging buhay na ehemplo ng kagalantehan sa mga kababaihan. At siyempre, dapay ipakita rin na ginagalang mo siya bilang babae at hindi ka lang nakipag-date para ikama siya.

#3 Leave a mark

Kung sakaling hindi man mag-workout ang araw na ito, siguruhin mo pa rin na matatandaan niya itong date na ito. Maganda sana kung magpapakita ka ng sense of humour o kahit sense na lang, wala nang humour lalo na kapag corny ka. O magbigay ka ng regalo na magpapaalala sa kanya sa araw na ito.

#4 Magpakita ng interes

Ipakita mo na interesado ka sa inyong conversation. Kahit maging boring man o di na interesado ang usapan, ‘wag lang basta makinig, dapat lagi ka ring may sagot para alam niya na ninanamnam mo lahat ng kwento niya sa buhay.

Kapag naman ikaw nagsasalita, o kapag nag-uusap kayo ng mga related topics, tanungin mo siya kung ano ang tingin niya sa iyong sinasabi para maramdaman niyang kasama siya sa usapan.

#5 Maging malinis sa katawan

Isipin mo na lang pre, gaano ba siya kaespesyal? Gaano kaespesyal itong araw na ito, para mag-ahit ka, diba? Kahit naman may mga babaeng napapaibig ng dirty look, iba pa rin yung presentable kang tingnan. Pero syempre, huwag ring kalimutan na #BeYourself.

Kadalasan, hindi madali makuha ang damdamin ng isang babae, hindi tulad ng mga napapanood natin sa sine. Hindi mahuhulog amg babae sa’yo kapag hindi mo naman sinusubukan.

Ang unang date ay maaaring makabuo o makasira ng mga scenario kaya kapag pumalpak ka. Gamitin ang mga tips na ito na parang guidelines lang.

Kumusta naman ang naging kauna-unahan mong date? Nagkaroon pa ba ito ng pangalawang pagkakataon? Hayaan mong malaman namin ito sa mga komento!(Remate News Team)