First Family panauhing pagdangal sa Masskara Festival

First Family panauhing pagdangal sa Masskara Festival

August 23, 2022 @ 9:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahan ang pagdalo ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. and First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa Masskara Festival ngayong Oktubre.

Sinabi ni Mayor Alfredo Abelardo Benitez na inimbitahan niya ang first couple habang inimbitahan naman ng kanyang anak na si Victorias City Mayor Javier Miguel Benitez, ang presidential son na si Ilocos Norte First District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, para dumalo sa festival.

“I have personally invited the President and the First Lady and their family. Mayor Javi(er) has also invited his close friend, Congressman Sandro. All of them have confirmed ..to come,” ayon kay Benitez sa isinagawang gala event para sa mga sponsors ng Masskara Festival sa Stonehill Suites, araw ng Linggo.

Ang tema ngayong taon ay “Balik Yuhum”, na ang ibig sabihin ay “smile again or bring back the smile,” na idaraos sa Oktubre 21 hanggang 23.

Sa kabilang dako, sa naging mensahe naman ni Benitez, hinikayat nito ang mga organizers at mga Bacolodnons na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging matagumpay ang festival.

“We want to bring back what we have lost during the pandemic. It is very important that we should give our best effort in making this a very successful event,” anito.

Sinabi ni Benitez na nais na masiguro ng Bacolod na malaman ng buong bansa ang Masskara Festival upang magbigay ng signal na ang lungsod ay “back in business.”

“In the ‘City of Smiles’, let us bring back the smiles,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose