First horror telemovie, pangungunahan ni Jose Manalo

First horror telemovie, pangungunahan ni Jose Manalo

July 25, 2018 @ 1:24 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Muling patutunayan ni Jose Manalo na hindi lamang pag-arte, pagiging host at pagpapatawa ang kaya niyang gawin dahil susubukan niya sa unang pagkakataon mag-direct ng tinagurian ‘first horror telemovie’.

Ginalingan!

Kamakailan, ipinasilip ang first horror telemovie sa isang programa sa GMA. Pangungunahan ni Ariel Manalo o mas kilala bilang Jose Manalo ang pelikulang pinamagatang ‘Paman’ kung saan iikot ang kuwento sa isang pamanang lumang bahay para sa pamilya nunal.

Kasama niya dito ang host ng ‘The barangay jokers’ na sina Wally Bayola bilang Nanay Nunal, Paolo Ballesteros bilang PAOLITO at Maine Mendoza bilang Menggaynita.

Nakatakda itong ipalabas sa Sabado July 28, 2018 na talaga naman aabangan ng mga manunuod. (Remate News Team)