FIRST LADY LIZA MARCOS, ITINALAGANG “CHIEF GIRL SCOUT”

FIRST LADY LIZA MARCOS, ITINALAGANG “CHIEF GIRL SCOUT”

November 15, 2022 @ 11:01 AM 3 weeks ago


PORMAL ng itinalaga sa isang simpleng seremonya sa Malacañang Palace kamakailan si first lady Atty. Marie Louise Araneta Marcos bilang Chief Girl Scout ng GSP o Girl Scouts of the Philippines.

 Nanumpa ang first lady kay GSP national executive committee president Dr. Cristina Lim-Yuson gamit ang Girl Scout Law.

 Kinakatawan ng first lady ang mga katangian ng iang girl scout na naglilingkod sa Diyos, sa bayan at tumutulong sa lahat ng pagkakataon.

 Sa ilalim ng GSP charter o ang Act No. 542, awtomatikong magiging chief girl scout ang isang babaeng Pangulo o ang first lady ng nakaupong Pangulo.

 Sinabi naman ni first lady Liza Marcos na isang malaking karangalan sa kanya ang manguna sa GSP na may malaking responsibilidad sa paghubog sa isang makabago ngunit dediakdong Filipina.  

Kung nais ninyo sumapi sa Girl Scout kahit tapos na ang inyong pag-aaral o hindi hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Maari kayong magparehistro bilang Associate Member ng GSP.

Ang pagsapi sa Girl Scouting ay hindi compulsory sa lahat ng mag-aaral.

Ang Girl Scout of the Philippines ay isang voluntary organization for girls and young women. Ngunit ito po ay sinusuportahan ng DepEd at CHED bilang extra-curricular activities ng mga bata na kaagapay nila sa paghubog ng katauhan ng ating mga kabataang babae.

Sinu-sino pwedeng mag-parehistro sa Girl Scouting at ano po ang mga requirements para makapagparehistro?

·        Twinkler Girl Scouts – aged 4-6 years old and/or in kindergarten or pre-school

·        Star Girl Scouts       – aged 7-9 years old and/or in Grades 1-3

·        Junior Girl Scouts    – aged 10-12 years old and/or in Grades 4-6

·        Senior Girl Scouts   – aged 13-15 years old and/or in high school

·        Cadet Girl Scouts    – aged 16-21 years old, including those in 4th year high school and those beyond 21 who are still in college

Para sa karagdagang impormasyon o tumawag sa Telepono bilang (02) 523-8331 loc. 229 ng GSP Membership Division o mag email sa membership@girlscouts.org.ph