First Lady Liza Marcos mangunguna sa Dinagyang Festival

First Lady Liza Marcos mangunguna sa Dinagyang Festival

January 6, 2023 @ 6:51 PM 4 weeks ago


ILOILO CITY – Dadalo si First Lady Liza Araneta-Marcos kasama pa ang ibang dignitaries sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival sa Iloilo na gaganapin sa Iloilo Freedom Grandstand sa Enero 22.

Labingtatlo diplomats ang darating sa Iloilo ayon sa press statement ng Iloilo city government nitong Biyernes, Enero 6.

Ayon kay Mayor Jerry Treñas, ang pagdalo ng mga personalidad na ito ay makatutulong upang lumago pa ang turismo at economic promotions ng lungsod.

Samantala, sinabi ni Iloilo Festivals Foundation Inc. executive director Joyce Clavecillas na 90% hanggang 95% na silang handa sa naturang aktibidad kung saan sisimulan na nila ang serye ng mga kaganapan sa Enero 13 at ang highlights ay sa Enero 20 hanggang 22.

“Hopefully we can deliver a good presentation come Jan. 13-22. The first day of course is Jan. 13 when we have the opening salvo where barangay and ILOmination tribes will give a glimpse of their performances at the Iloilo Freedom Grandstand,” ani Clavecillas.

“We are still encouraging our guests to still wear face masks, especially if they see that the area is crowded. Minimum health protocols are always encouraged,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga dadalo sa Dinagyang Festival ay sina Ambassadors Xiomara Perez Rodriguez ng Embassy and Consulate General of the Republic of Panama, Agus Widjojo ng Indonesia, Borhan Uddin ng Bangladesh, Tull Traisorat ng Thailand, Folakemi Ibidunni Akinleye ng Nigeria, Halaas Lyster ng Norway, Raduta Dana Matache ng Romania, Kazuhiko Koshikawa ng Japan, at Jaroslaw Szczepankiewicz ng Poland.

Irerepresenta naman ni Mr. Peter Laszlo si Ambassador Titanilla Toth ng Hungary, Ms. P.G.P. Kaushalya, Charge d’ Affaires bilang representative ni Ambassador Shobini Gunasekera ng Sri Lanka; at Chief Consuls Kristofer Graf at Leo Balantac para sa US Embassy. RNT/JGC