First Lady Liza Marcos nagbabala vs nandadawit sa kanya sa ISAFP appointments

First Lady Liza Marcos nagbabala vs nandadawit sa kanya sa ISAFP appointments

January 8, 2023 @ 11:36 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos nitong Sabado na wala siyang kinalaman sa pagtatalaga ng mga opisyal sa Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“I don’t know the people involved. I have nothing to do with the appointments, I leave that up to my husband (President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.),” ani Marcos sa isang video message.

Nagbabala rin siya sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan para makakuha ng posisyon sa gobyerno.

“And if I find out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay?” anang First Lady. RNT/SA