First, second level courts sa NCR sarado sa Bar exams

First, second level courts sa NCR sarado sa Bar exams

February 4, 2022 @ 7:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema na ang lahat ng kanilang first at second level courts, maging ang mga collegiate court sa National Capital Region ay isasara sa pagsasagawa ng Bar examinations ngayong Biyenes, Pebrero 4.

Sa inilabas na memorandum, sinabi ng high tribunal na ang hakbang ay bilang konsiderasyon sa ilang mga court staff, empleyado, at physical resources ng Supreme Court at collegiate courts na ipakakalat sa ilang mga testing sites.

“All first and second level courts where Bar examination testing sites are located and other trial courts indicated in Annex “A” hereof shall likewise be closed on February 4,” dagdag pa sa kautusan.

“All Justices of Collegiate Courts, Judges of Trial Courts, Court Staff and Employees Participating in the Scheduled Bar Examinations on February 4 and 6, 2022 and Court Users,” base sa tweet ng Philippine Supreme Court Public Information Office nitong Pebrero 3. RNT