Fisheries sector aarangkada sa bagong planta ng sardinas sa Batangas – PBBM

Fisheries sector aarangkada sa bagong planta ng sardinas sa Batangas – PBBM

March 1, 2023 @ 2:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang bagong Mega Manufacturing Plant sa Batangas ang magsisilbing magandang halimbawa na nais niyang matamo ng agriculture sector sa Pilipinas.

Tinukoy ng Chief Executive ang kahalagahan ng tinatawag na “upscaling agricultural operations” na mapakikinabangan ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay bahagi ng kanyang talumpati sa isinagawang inagurasyon ng Mega Manufacturing Plant, o planta ng sardinas sa Malvar Park, Sto. Tomas Municipal Grounds sa Sto. Tomas City, Batangas, na nakikita niyang makapag-aambag sa pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang food security at makalilikha ng mas maraming trabaho at economic opportunities para sa mga Filipino.

“It is an example of what we in agriculture and agribusiness are hoping to demonstrate to all our investors, the ability to scale up from what can be a backyard kind of business slowly building it up to a very modern and very, very high production capacity like we see here today,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isinagawang paglulunsad ng sardines manufacturing facility sa Santo Tomas, araw ng Miyerkules, Marso 1.

“This will greatly contribute to our efforts in ensuring food security and making seafood more convenient to consume for families across the country, especially during times of crises,” ayon sa Pangulo.

“This project also supports the administration’s initiatives to fulfill the United Nations Sustainable Development Goals, particularly in the areas of No Poverty, Zero Hunger, and Decent Work and Economic Growth,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Idagdag pa rito, inaasahan na makalilikha ng mas maraming hanapbuhay at economic opportunity ang nasabing proyekto.

Ayon sa Pangulo, ang karagdagang Mega Manufacturing Plant sa Santo Tomas ay makapag-aambag din sa tagumpay ng pamahalaan na targetin ang 10% annual increase sa approved investments sa  agribusiness sector, isa sa key targets sa ilalim ng  2023-2028 Philippine Development Plan.

Bukod pa dito, makatutulong din ang planta na maabot ang mataas na local demand para sa canned sardines sa panahon na bumabawi pa ang bansa mula sa COVID-19 pandemic, inaasahan na may kakayahan ito na makapag-produce ng mahigit sa 11,600 metriko tonelada ng sardinas.

“This can fill 27 percent of estimated local supply insufficiency in canned sardines,” ayon kay Pangulong  Marcos.

Sa kabilang dako,  pinasalamatan naman ng Pangulo ang Mega Prime Foods, Inc. para sa paglulunsad ng pasilidad, umaasa na ang kompanya ay mananatiling matatag sa pangako nito na makapagbigay sa mga pamilyang Filipino ng “most innovative, high-quality, at best value-for-money food products” sa mga darating na taon.

Ang Mega Global ay parent company ng Mega Prime Foods, kung saan nagsimula ang operasyon noong 1975 bilang Wilmar Fishing, isang maliit na fishing company sa  Bicol Region.

Matapos ang dekada ng operasyon, lumipat ang kompanya sa Zamboanga at naugnay sa  canning operations.

Ang Wilmar Fishing ay naging Mega Fishing Corp. noong 1995, at noong 2000, ang Mega Sardines brand ay inilunsad.

Sa kasalukuyan, ang Mega ay mayroong dalawang planta sa Zamboanga na maaaring makapag-produce ng 2.4 milyong canned sardines kada araw.

Pag-aari rin ng Mega ang pinakamalaking  fishing fleet sa bansa at nasa export market sa loob ng  20 taon. Kris Jose