Fitness app Polar, napag-alamang nagpapakita ng sensitibong datos sa miltar at mga intelligence personnel

Fitness app Polar, napag-alamang nagpapakita ng sensitibong datos sa miltar at mga intelligence personnel

July 10, 2018 @ 9:55 AM 5 years ago


 

Washington – Sinuspinde ng Mobile fitness app na Polar, ang tracking feature nito matapos mapag-alaman ng mga security researchers na naglalabas ito ng mga sensitibong data tungkol sa military at mga intelligence personnel mula sa 69 na bansa.

Ang rebelasyong ito tungkol sa isang application mula sa Finnish-based app Polar Flow ay lumabas isang buwan lang ang nakalilipas matapos mapag-alaman na ang isa pang health app, Strava, ay nagpapakita rin ng mga sensitibong impormasyon tungkol sa United States at mga kaalyado nitong puwersa sa buong mundo.

Ayon sa Security researchers mula sa Netherlands noong Linggo (July 8), nakakuha sila ng datos sa nasa 6,000 na indibidwal na kinabibilangan ng mga military personnel mula sa iba’t ibang bansa pati ng mga empleyado ng FBI at National Security Agency.

Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng potensyal na security risk sa paggamit nga fitness app kung saan kaya nitong i–track ang lokasyon ng gumagamit nito at maaring gamitin sa ‘spying’.

“With only a few clicks, a high-ranking officer of an airbase known to host nuclear weapons can be found jogging across the compound in the morning,” sabi ni security researcher Foeke Postma sa kaniyang blog post noong Linggo matapos ang imbestigasyon kasama ang Dutch news organization De Correspondent.

“We can find Western military personnel in Afghanistan through the Polar site. Cross-checking one name and profile picture with social media confirmed one soldier or officer’s identity.”

Sa imbestigasyon nakita ang detalyadong personal na impormasyon, kasama na ang home address, ng mga military personnel, taong nagsisilbi sa submarines, mga Amerikano sa Green Zone sa Baghdad at sundalo ng Russia sa Crimea, ayon sa researchers.

Kasunod nito, sinabi naman ng Polar sa isang statement na sususpindehin nila ang feature ng application na nagbibigay kakayahan sa mga users na magbahagi ng kanilang data at sinabing ang anumang datos na isasapubliko ng mga users ay may permiso na ng nila.

“It is important to understand that Polar has not leaked any data, and there has been no breach of private data,” sabi ng Polar sa statement.

Sinabi rin nila na ang location tracking feature, “is used by thousands of athletes daily all over the world to share and celebrate amazing training sessions.”

Base sa De Correspondent, nasa 2% lamang ng Polar users ang pumiling ibahagi ang kanilang data ngunit hindi pa rin nito pinipigilang ang sinoman na makadiskubre ng sensitibong data mula sa military o civilian personnel.

“We found the names and addresses of personnel at military bases including Guantanamo Bay in Cuba, Arbil in Iraq, Gao in Mali, and bases in Afghanistan, Saudi Arabia, Qatar, Chad, and South Korea,” sabi sa report.

Noong Januray, sinabi ng Pentagon na tinitignan nila ang mga polisiya tungkol sa military personnel na gumagamit ng fitness application matapos ipakita ng Strava ang ilang mga mapa ng mga military base sa Iraq pati na rin ang sa Afganistan. (Remate News Team)