Fixed broadband internet speed ng Pinas pinakamabilis nitong Marso

Fixed broadband internet speed ng Pinas pinakamabilis nitong Marso

April 5, 2021 @ 2:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines-Iniulat ng Ookla Speedtest Global Index na naitala ang pinakamataas na fixed broadband average download speed ng bansa nitong Marso 2021, simula nang maupo ang administrasyong Duterte.

Nabatid na ang 7.79Mbps increase sa speed mula 38.46Mbps noong Pebrero sa 46.25Mbps nitong Marso 2021 ay kumakatawan sa buwanang pagtaas na 20.25% at 484.70% dagdag mula sa download speed ng bansa na 7.91Mbps noong Hulyo 2016.

Bahagya namang bumaba ang mobile network overall performance dahil sa naitalang average download speed na 25.43Mbps mula sa 26.24Mbps noong Pebrero.

Gayunman, ang kasalukuyang mobile network performance ay kumakatawan pa rin sa dagdag na 241.80% mula sa speed nitong 7.44Mbps noong Hulyo 2016.

Naganap ang pagbabago sa internet speed ng bansa makaraang ipag-utos ng Pangulo noong Hulyo 2020 na pabilisin ang paglalakad ng LGU permits kaugnay sa pagtatayo ng cellular towers.

Simula noon, bumilis na ang pag-iisyu ng permit hanggang nitong Marso 2021.

Noong Marso 8, 2021, komersyal nang inilunsad ang DITO Telecommunity sa ilang pangunahing lugar sa Visayas at Mindanao.

Target ng third telco na maramdaman ang operasyon nito sa Metro Manila sa kalagitnaan ng 2021.

Inaasahan din ang pagbabago sa internet speed sa pagpasok ng DITO na magpapaigting sa telco market competition.

Masusi namang minamanmanan ang performance ng telcos makaraang pumayag si Pangulong Duterte na kailangang imantine ang mga pagbabago sa serbisyo ng telco at makapantay ang internet speed ng bansa sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia. RNT


  •  
  •  
  •