Fixed salary sa barangay officials isinusulong ni Rep Duterte

Fixed salary sa barangay officials isinusulong ni Rep Duterte

July 15, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isang panukala ang inihain sa House of Representative ni Davao Rep Paolo Duterte na humihiling na ideklara bilang regular government employee na may fized salaries ang mga barangay officials.

Sa House Bill 502 ni Duterte ipinaliwanag nito na ang barangay ang nagsisilbing “office of first resort of the people ” at dito unang nireresolba ang mga isyu ng mga residente kaya mahalagang mabigyan ito ng importansya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na sweldo.

Sa ilalim ng panukala ni Duterte ang punong barangay ay makakatanggap ng katumbas na 80% na sahod ng Sanggunian member habang ang Sangguniang Barangay members ay tatanggap ng 65% na katumbas na sahod ng Sanggunian member ng isang siyudad o munisipalidad.

Ang barangay secretary at barangay treasurer ay katumbas ng 50% na sahod ng Sanggunian member.

“It is high time that our barangay officials be given what is due for them and recognize their vital role in the communities. As the basic political unit, the barangay serves as the primary planning and implementing unit of government projects, programs and policies,” paliwanag ni Duterte.

Sakaling maisabatas nakapaloob sa panukala na bilang regular government employees ang barangay officials ay magkakaroon din ng Government Service Insurance System, PhilHealth at Pag-Ibig Fund benefits.

Sa kasalukuyang batas ang barangay chairman at miyembro ng barangay council ay tumatanggap ng sahod sa pamamagitan lamang ng honorarium. Gail Mendoza