Fixed term sa AFP suportado ng mga senador – Zubiri

Fixed term sa AFP suportado ng mga senador – Zubiri

January 22, 2023 @ 10:36 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ng mga senador ang panukalang naglilimita ng saklaw ng fixed three-year term sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Sabado, Enero 21 kung saan kumpiyansa umano itong maaaprubahan ng Kamara ang naturang panukala.

“Malakas ang kutob ko na maipapasa po ito… Even in our chat group, we discussed it and may mga favorable comment ang mga kasamahan natin, even former [Police] General Bato (dela Rosa), nung kinausap ko po siya, ‘yung kanyang suggestion nga AFP chief of staff lang,” ani Zubiri sa panayam sa radyo.

“I think we will get strong support, because if we are going to base it on the only military man in the Senate, Senator dela Rosa, ay gusto rin po n’yang amyendahan ang batas na ‘yan,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Zubiri na layon nilang maipasa ang panukalang nag-aamyenda sa Republic Act 11709 sa loob ng unang bahagi ng 2023.

Ang RA 11709 na nagbibigay ng tatlong taon na fixed terms sa mga pangunahing opisyal ng AFP kasama na ang chief of staff, ay pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan bago ito bumaba sa pwesto.

Sinertipikahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang House Bill 6517, na mag-aamyenda sa RA 11709 bilang urgent.

Maliban dito, prayoridad din umano ng Senado ang pagtatatag ng military pension fund na tulad ng sa Government Service Insurance System (GSIS).

“We are paying more now for the pensions of retired military personnel than active military personnel. Mas malaki na po at galing po yan sa General Appropriations Act…We should come up with a GSIS system or SSS system for our military pensioners,” pagbabahagi ni Zubiri.

“It’s a priority on our part in the Senate, in my administration in the Senate, to come up with this kind of bill that we will help come up with a pension fund similar to GSIS so that their pension funds are secured and this pension fund like in the GSIS, it can be invested,” dagdag pa niya. RNT/JGC