Fixed three-year term sa top military officials, oks kay PDu30
May 16, 2022 @ 6:12 PM
2 months ago
Views:
191
Remate Online2022-05-16T18:12:33+08:00
MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magkakaloob ng three-year fixed term para sa mga key officials ng Armed Forces of the Philippines, kabilang na ang chief of staff.
Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11709 — o Act Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the Armed Forces of the Philippines by Prescribing Fixed Terms for Key Officers thereof, Increasing the Mandatory Retirement Age of Generals/flag Officers, Providing for a More Effective Attrition System, and Providing Funds therefor “— noong Abril 13 subalit nito lamang Mayo 16, araw ng Lunes, inanunsyo ng Malakanyang.
Sa ilalim ng nasabing batas, ang mga military officials na makakakuha ng three-year term maliban sa chief of staff ay ang “vice chief of staff, deputy chief of staff, commanding general of the Philippine Army, commanding general of the Philippine Air Force, flag officer in command of the Philippine Navy, unified command commanders; at inspector general.”
Ang tour of duty ng mga nasabing opisyal ay magsisimula sa petsa kung kailan nilagdaan ang appointment at uupo sa posisyon sa loob ng three consecutive years maliban na lamang kung kaagad na tatapusin ng Pangulo, “provided that those mentioned will not be eligible for any other position in the Armed Forces unless promoted to the position of chief of staff.”
Idagdag pa rito, ang fixed tour of duty ng chief of staff ay maaaring mapalawig ng Pangulo “in times of war or other national emergency declared by Congress.”
Nakasaad naman sa batas na ang fixed term ay may kaakibat na layunin na kailangan na magampanan gaya ng “enhance professionalization in the organization by strengthening the merit system, allow the new leadership a longer period to implement reforms, and institutionalize sound policies that will redound to the improvement of the AFP, promote the most qualified officers to higher ranks and obviate revolving door accommodation promotions to successfully create a new culture of excellence in leadership and accountability in the AFP.”
Sa kabilang dako, nakasaad sa Republic Act 11709, “that a general/flag officer of proven competence and academic excellence will be appointed as superintendent of the Philippine Military Academy (PMA) and will be exempt from the application of the maximum tenure-in-grade defined under the law.”
Ang PMA superintendent ay mayroon ding ranggo na lieutenant general/vice admiral at mabibigyan ng tour of duty ng apat na taon, maliban na lamang kung wawakasan ng higher authority at kung, maliban para sa posisyon ng chief of staff, ang PMA superintendent ay hindi magiging eligible para sa anumang iba pang posisyon sa AFP at mapipilitan na magretiro matapos na makompleto ang fixed tour of duty o sa oras na maalis mula sa tanggapan.
Sinasabi pa rin ng batas na walang general/flag officer na mahigit sa 58 taong gulang ang itatalaga bilang PMA superintendent.
Ang mga Officers at enlisted personnel, sa kabilang dako ay mananatilling magre-retiro “one rank higher” mula sa huling ranggo nito.
Ang mga sumusunod na opisyal ng AFP, para sa kanilang panig, maaaring ituring na compulsorily retired sa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari:
-
mga nasa “grades of second lieutenant/ensign (0-1) to colonel/captain (0-6),” kapag umabot sa edad na 56 o may akumulasyon na 30 taon ng satisfactory active duty
-
mga nasa “grades of brigadier general/commodore (0-7) to lieutenant general/vice admiral (0-9),” kapag umabot sa edad na 59 o maximum tenure-in-grade gaya ng nakasaad sa batas
-
mga nakaupo sa key position matapos na makompleto ang fixed tour of duty maging anuman ang edad, maliban na lamang kung ipo-promote bilang chief of staff o kung sino ang maaalis sa puwesto ay hindi na maitatalaga sa o makakaupo sa anumang posisyon sa AFP Table of Organization; at iyong mga kinomisyon sa ilalim ng Presidential Decree No. 1908, at iyong mga itinalaga sa Corps of Professors kapag umabot sa edad na 60 o nakatapos ng 20 taon na satisfactory active duty,
Ang enlisted personnel ay maituturing na compulsorily retired kapag nakompleto na ang 30 taon ng satisfactory active duty o kapag umabot sa edad na 56.
Maaari namang mag-request ng isang officer o enlisted personnel na maging retirrado mula sa military service kapag nakompleto na ang 20 taon ng satisfactory active duty.
Ang enlisted personnel na mabibigo naman na maging kuwalipikado o mabibigo na matugunan ang anumang kondisyon para sa promosyon para sa next higher grade “as determined by the appropriate Enlisted Personnel Promotion Board” ay ire-refer sa Review and Evaluation Board para sa masusing pagsusuri at pagkatapos ay rekumendasyon sa Major Service Commanders para sa “attrition or retention.”
Ang grounds naman para sa referral ay nakasaad sa rules and regulations na ipalalabas para sa epektibong implementasyon ng batas. Kris Jose
July 3, 2022 @5:00 PM
Views:
40
MANILA, Philippines- Nakapagtala sa bulkang Kanlaon ng 41 volcanic earthquakes mula Hunyo 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCSnitong Linggo ng hapon.
Sinabi ng Kanlaon Volcano Network (KVN) na sinabayan ang pagyanig ng “seven very shallow tornillo signals associated with volcanic gas movement along fractures within the upper volcanic slopes.”
Gayundin, base sa ground deformation data mula sa patuloy na GPS measurements, makikita ang short-term slight inflation ng lower anat d mid slopes mula Enero 2022.
“These are consistent with continuous electronic tilt recording of inflation of southeastern flanks since mid of March 2022,” sabi ng PHIVOLCS.
“The increased seismic activity and short-term ground deformation are likely caused by the shallow hydrothermal processes beneath the edifice that could generate phreatic or steam-driven eruptions from the summit crater,” dagdag nito.
Nagpaalala naman ang PHIVOLCS sa publiko na ang bulkang Kanlaon ay nasa Alert Level 1. Nangangahulugang ito ay nasa low level of unrest.
Ipinagbabawal din ang paglapit dito.
Hinikayat din ng PHIVOLCS ang civil aviation authorities na abisuhan ang mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa tuktok ng bulkan dahil delikado ito. RNT/SA
July 3, 2022 @4:51 PM
Views:
35
Manila, Philippines – Sa eksklusibong artikulong inilabas ng PEP, mismong si Willie Revillame ang nagkumpirma na sa darating na September na magsisimulang maging fully operational ang Advanced Media Broadcasting Systems o AMBS.
Ang AMBS ay pag-aari ni dating Senator Manny Villar.
Nitong June 24 nagkaroon ng test broadcast.
Tiniyak ni Willie na sa kanya magmumula ang mga impormasyon na may kinalaman sa AMBS upang maiwasan ang disinformation.
Isang mahalagang posisyon ang hahawakan niya sa nasabing network.
Patunay ang pagiging punong abala ng TV host sa pagpili ng mga programang mapapanood doon, maging ang konsepto ng mga ito.
Pinag-aaralan din ang pagpasok ng Viva bilang partner ng AMBS.
Nakipagpulong na ang pamunuan sa mga del Rosario ng Viva.
Balita ring may mga programa sa ABS-CBN ang lilipat sa AMBS.
Curious ba kayo kung anu-ano ‘yon? Ronnie Carrasco III
July 3, 2022 @4:45 PM
Views:
46
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pahusayin ang overseas Filipino Worker database management upang matukoy ang bilang ng mga OFW sa iba’t ibang bansa, maging ang mga bilang ng mga nais makauwi, upang malaman ang mga serbisyong maiaalok sa kanila, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople nitong Linggo.
“Ipinag-utos… ni President Marcos na paigtingin ang database management para malaman ang bilang ng mga OFW na nasa iba’t ibang bansa at maging ‘yung bilang ng mga nais nang umuwi… anong serbisyo ang pwedeng ibigay sa kanila,” paliwanag ni Ople.
“Nais ni Pang. Marcos na magkaroon ng mga programa para sa mga OFW na papauwi ng bansa na nais makahanap ng trabaho, mag-retool or reskill at nais maging investor… Ili-link namin sila sa mga programa ng pamahalaan na angkop sa kanila,” dagdag niya.
Inihayag din ni Ople na inutusan din siya ni Marcos na alamin ang kalagayan ng mga pamilya ng mga OFW.
“Pinatutukan ni President Marcos ang pangangalaga, hindi lang sa mga OFW, kung di maging sa mga pamilya, lalo na ‘yung mga anak na parehong OFW ang magulang o isa sa mga magulang,” aniya.
Nilagdaan ni former President Rodrigo Duterte noong Disyembre 2021 anf Republic Act 11641 o ang batas na magtatalaga sa DMW. RNT/SA
July 3, 2022 @4:30 PM
Views:
42
MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na hindi sila maglalabas ng anumang detalye kaugnay sa birthday celebration ni dating Unang Ginang Imelda Marcos, ina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magpapalabas lamang sila ng kalatas kung may kinalaman sa public interest o kapakanan ng mamamayang Pilipino.
Ang pahayag na ito ng PCOO ay matapos na magtanong ang Malacañang Press Corps hinggil sa detalye ng photo releases ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mrs. Marcos.
Ang Unang Ginang ay nagdiwang ng kanyang ika-93 kaarawan, kahapon Hulyo 2.
Nito lamang nakaraang Sabado, nag-post si Pangulong Marcos sa kanyang Instagram ng pagbati sa kanyang ina.
“I join the country in greeting our mother the happiest of birthdays! We wish you continued health, blessings, and joy,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose
July 3, 2022 @4:15 PM
Views:
39
MANILA, Philippines- Sa pagdiriwang ng International Plastic Bag Free Day, nagsagawa ng aktibidad ang BAN Toxics, isang environmental group kung saan hinikayat ang mga Filipino customers at vendors na tanggalin na ang single-use plastic bags pabor sa reusable at eco-friendly na mga alternatibo.
Ginanap ang aktibidad sa R. Calalay Frisco Market sa Quezon City upang itaas ang kamalayan sa krisis sa plastik sa Pilipinas at isulong ang mga eco-friendly na bag.
Dinaluhan ng mga boluntaryong ina at BT Patroller ang aktibidad at nagpakita ng iba’t ibang reusable at eco-friendly na mga bag na gawa sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, rattan, pandan, niyog at dahon ng palma, tela, tela, at katsa upang hikayatin ang publiko na lumipat sa mga alternatibong magagamit muli.
Ang International Plastic Bag Free Day ay idinisenyo upang itaas ang kamalayan ng publiko sa plastic pollution at ang epekto nito sa ecosystem at biodiversity, lalo na sa marine wildlife.
Itinatag ito bilang isang pandaigdigang inisyatiba na may layuning ipagbawal ang mga single-use na plastic bag sa buong mundo at hikayatin ang lahat na lumipat sa mga alternatibong makakalikasan upang itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran.
Samantala, ang pandaigdigang produksyon ng plastik ay tumaas mula 2 milyong tonelada noong 1950s hanggang higit sa 438 milyong tonelada noong 2017, isang trend na inaasahang magpapatuloy. Jocelyn Tabangcura-Domenden