‘Fixer’ na nambibiktima ng mga istanded na pasahero tiklo sa Sorsogon port

‘Fixer’ na nambibiktima ng mga istanded na pasahero tiklo sa Sorsogon port

November 5, 2022 @ 12:00 PM 4 weeks ago


LEGAZPI CITY- Isang hinihinalang “fixer” sa Matnog Port sa bayan ng Matnog, Sorsogon ang naaresto sa isang entrapment operation nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, na kinilala ang suspek na si Enrique Montemayor, 48, na iligal na nakikipagtransaksyon sa mga stranded na drayber at indibidwal patungong Visayas at Mindanao sa Barangay Majumlad bandang alas-11 ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-aalok si Montemayor ng mabilis na pagproseso sa mga dokumento upang agad na makasakay sa sea vessel patungong bayan ng Allen sa lalawigan ng Samar, kapalit ng P6,500 na bayad para sa vehicle at passenger fees.

Nahharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9845, o Anti Red Tape Act. RNT/SA