FLASH REPORT: Pulis, patay sa anti-drug operation sa Infanta, Quezon

FLASH REPORT: Pulis, patay sa anti-drug operation sa Infanta, Quezon

August 9, 2018 @ 8:34 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patay ang isang aktibong pulis sa ikinasang drug bust sa Barangay Pilaway, Infanta sa probinsiya ng Quezon, kaninang umaga.

Ayon sa pinuno ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force and Special Action Force na si Romeo Caramat Jr., nagsagawa ang mga operatiba ng buy-bust operation laban kay PO2 Ian Rey Abitona nang bigla na lang ito nagpaputok.

Sinabi ni Caramat na si Abitona ay pinaghihinalaang konektado sa mga narcotics syndicates sa Infanta. Ginagamit umano ng suspek ang mga sibilyan upang mag-recycle ng droga.

 

Kamakailn ay nasibak sa kaniyang puwesto bilang intel at drug enforcement operative si Abitona at na-reassign ito bilang desk officer.

Kabilang rin si Abitona sa Quezon Provincial Police Office drugs watchlist, ayon kay Caramat.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng crime lab ang pinangyarihan ng insidente. Remate News Team