Flexi work scheme, nakadepende sa pinuno ng ahensiya- CSC
June 9, 2022 @ 8:11 AM
3 weeks ago
Views:
76
Remate Online2022-06-09T08:41:26+08:00
MANILA, Philippines – Depende sa magiging desisyon ng pinuno ng isang ahensiya ang flexible work arrangements para sa mga empleyado ng gobyerno.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Civil Service Commission (CSC) commissioner Aileen Lizada na kinokonsidera nila ang pagpapatuloy ng public service at mabilis na transaksyon sa gobyerno sa paglikha ng Resolution No. 2200209, na naglalayong magbigay ng flexible work arrangement options sa public sector.
âEto pong mga flexi work arrangements, hindi ho ito automatic, para, yehey! Hindi ho, depende pa rin po ito sa ating heads of agencies,â ayon kay LIzada.
âAng ginagawa lang po ng CSC, we provide options and kung ano lang po ang applicable sa agency, pwede nila ho gawin âyun ,” dagdag na pahayag nito.
Mayroon aniyang general requirements para sa flexible work arrangements.
Inaatasan aniya ang mga ahensiya ng pamahalaan na bumalangkas ng kanilang internal guidelines na nagsasaad na ia-adopt nila ito at ipatutupad.
Ang guidelines ay dapat na tumatalima sa CSC, Department of Labor and Employment at Department of Health Joint Memorandum Circular No. 1 series of 2020 na isusumite sa CSC regional offices para sa ‘record at reference.’
Sinabi pa ni Lizada, kabilang sa arrangements ang trabaho na ginagawa sa labas ng opisina at ahensiya kung saan dapat na i- adopt ang performance standards at timeliness o napapanahon.
Aniya, kabilang sa flexible workplace option ay ang mga sumusunod:
Work from home â isang work arrangement para sa mga government official o empleyado na magtrabaho sa kanilang tahanan o bahay.
-Work from satellite office â isang work arrangement kung saan sa halip na mag-report sa kanilang tanggapan, magre-report ang mga ito sa kanilang agency satellite office malapit sa kanilang tahanan, central, regional, at field offices.
-Work from another fixed place â trabaho sa loob ng Pilipinas, at hindi sa ibang bansa ay ginagawa sa lugar na ‘conducive’ para sa productive work at efficient performance ng official duties at responsibilities maliban pa sa kanilang tahanan o bahay o satellite office.
âPero klaruhin natin ito, conducive for productive work, hindi po puwede ngayong week eh, doon po ako sa Boracay o doon ako sa Palawan, hindi ho puwede because this is still subject to the supervisor, recommendatory, the heads of the agencies still have the final say on this,â paglilinaw ni Lizada.
Para naman sa flexible work arrangements, kabilang aniya rito ang “Compressed work week still includes 40 hours of work in a week â The employees may work four days in a week, but the government agencies must ensure there are people present in the offices five days a week; Skeleton workforce â refers to a minimum number of government officials or employees reporting to service to man the office where full staffing pattern is not possible at Work shifting â refers to work arrangement applicable to offices with 24 hours occupational groups that provide security and safety like Bureau of Immigration, customs, public health, and security.”
Kasama rin ang “Flexitime â the government official or employee can go to work anytime between 7 a.m. to 7 p.m. provided that there is eight hours of work and there are people assigned during the core working hours which is 8 a.m. to 5 p.m. at Combination â this could be eight hours for four days work in the office and then one day work from home; only if work from home is applicable to the nature of work. ” Kris Jose
June 26, 2022 @11:59 AM
Views:
51
MANILA, Philippines â Inaasahang nang magiging blockbuster sa kasaysayan ng boxing ang trilogy nina undisputed super middleweight world champion Saul âCaneloâ Alvarez at unified middleweight champion Gennadiy âGGGâ Golovkin.
Magaganap ang trilogy ng dalawang mahigpit na magkaribal sa T-Mobile Arena sa Las Vegas sa September 17 nitong taon.
Matatandaang ang nasabing venue ay sentro ng naunang mga epic fights ng dalawa.
Nauwi sa draw ang unang noong September 2017 habang ang second fight noong September 2018 nakuha ni Alvarez  ang panalo via majority decision.
Hawak ng sikat ng Mexican fighter na si Alvarez ang record na 61 wins, nasa 39 ay via knockouts at merong dalawang talo habang ang Kazakhstan boxer na si Golovkin ay may record na 42 wins, kung saan 37 dito ay via knockouts at meron pa lamang isang talo.JC
June 22, 2022 @2:27 PM
Views:
24

MANILA, Philippines – Nanumpa na ngayong Miyerkoles, bilang ganap na mambabatas si Alfred “Apid” Delos Santos ng Ang Probinsyano Partylist kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Minarkahan nito ang simula ng kanyang pagsapi sa ika-19 na Kongreso at ang kanyang pagbalik sa Kamara bilang mambabatas at tagapagsulong sa pag-unlad ng mga probinsya at mga karapatan ng mga probinsyano. RNT
June 20, 2022 @10:37 AM
Views:
58
MANILA, Philippines – Isang grupo ng mga guro ang nakabuo ng listahan ng mga gusto nilang pagtuunan ng pansin ni Vice President-elect Sara Duterte sa oras na pormal na itong maupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Nakatakdang magpadala ng pormal na kahilingan ang Teachersâ Dignity Coalition (TDC) sa opisina ni Duterte sa sandaling manumpa siya.
Ang agenda, ani TDC national chairperson Benjo Basas, ay nakatutok kapwa sa kapakanan ng mga guro gayundin sa kalidad ng pagkatuto para sa mga bata na âwould require both executive and legislative actions more aggressive than what the country has seen for decades.â
Kabilang sa hihilingin ng grupo kay Duterte ang:
-
better compensation package for teachers and educators both for public and private institutions
-
implementation of the 1966 vintage Magna Carta for Public School Teachers, compensation for those affected by Covid-19,
-
free postgraduate education, provision of free laptop computers and internet services,
-
the creation of a separate insurance system and hospital for teachers, among other benefits.
Para naman sa classroom learning, panukala ng TDC ang mga estratehiyang kinabibilangan ng:
-
reduction of class size
-
provision of learning materials
-
providing facilities and sufficient funding for the safe return to normal school operations.
âWe assume that the desire for resumption of face-to-face classes has been discussed in the transition and we expect both the outgoing and incoming DepEd managements agreed to provide mechanisms for safe return to schools,â ani Basas.
Hinihikayat din ng TDC ang âchange in curriculum that while still catering to the manpower requirements for economic growth, espouses true national development.â
âWe want an education system that inculcates patriotism in the hearts of Filipinos and promotes peace and respect for human rights,â giit pa ni Basas. RNT
June 17, 2022 @5:53 PM
Views:
107
Pinaghalong tuwa at inis ang reaksyon ng ilang tsuwariwap natin sa loob ng Bureau of Immigration matapos ibinaba ni Ombudsman Samuel Martires ang sentensyang pagkasibak sa puwesto ng 45 opisyales ng ahensyang kinasuhan kaugnay sa sindikatong pastillas scheme na pinaniniwalaang ugat ng malawakang pagpasok sa bansa ng mga hindi dokumentadong Tsinoy kapalit ng tongpats na itinatapal sa ilang buwayang ahente sa loob.
Natuwa ang ilang matitinong taga-Immigration kaugnay sa pagkatanggal sa posisyon ng mga mokong bunsod sa napatunayan ng kasalukuyang administrasyon na seryoso ito sa kampanyan laban sa katiwalian.
Samantalang malaki ang katanungan ngayon ng mga taga BI kung bakit âyung 45 lang na mga empleyadong hindi naman matataas ang posisyon, ang sinibak sa puwesto at hindi kasama ang pinaniniwalaang padrino nilang naka-upo pa rin sa trono at mas malaki ang parte sa pastillas scheme.
Maniniwala ba kayong walang sacred cows na nasa likod ng sindikatong namayagpag mula noong 2017 kasabay sa paglipana sa bansa ng mga Tsinoy na karamihan ay POGO workers, bago ito nadiskubre at ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros noong 2020?
Tangna, kahit batang paslit ay hindi maniniwala na walang basbas mula sa mga bossing sa loob ng Immigration ang panghuhuthot ng 45 na opisyal sa loob ng tatlong taon samantalang hindi pinalalampas ng mga amo nila ang barya-baryang transaksyon sa ahensya batay umano sa sumbong ng mga tsuwariwap natin.
Bagaman ipinagkibit balikat lang ng mga nasibak ang sentensya sa kanila ng Ombudsman bunsod sa milyones na rin ang kinita nila subalit lumutang ang reaksyon sa departamento na kailangang panagutin din daw ang mga padrinong higit na nakinabang sa sindikato.
Hindi lang âyan, gaano kaya katotoo na nag-level pa raw ang transaksyon ng suhulan ngayon sa BI sa kabila ng pagsabog nito kung saan milyones na ang ibinabayad ng mga ahente sa loob sa bawat Tsinoy na ipinupuslit sa mga Puerto?
May ilang taga Batasan pa nga raw na kakutsaba ng mga kumag na pumipirma pa sa rekomendasyon para mabilisan ang proseso ng dokumento ng mga dayuhan.
Kelan kaya matatapos ang kawalanghiyaan ng mga opisyal na itong patuloy na ginagamit ang poder upang maipasok ang mga dayuhan sa bansa?
June 17, 2022 @5:51 PM
Views:
132
Malapit nang mag-senior citizen si Gerry, ang aking pinsan sa Barrio Tabulac, San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija na ang ikinaÂbuÂbuhay ay farming na kinahinatnan na niya dahil ang amaây dati ring magsasaka.
Tumanda na sa hirap ng trabaho sa bukid pero wala akong narinig na negatibong komento ni-minsan kay Gerry tungkol sa kanyang pagsasaka sa kabila ng napakaraming problema na bumabagabag sa estado n gagrikultura.
Hindi lingid sa kanya ang mga suliranin sa pagsasaka dahil naikukuwento niya sa akin sa tuwing akoây nadadaÂlaw sa kanilang lugar pero ang sa bilang niya âbahala na ang gobyerno dahil trabaho naman nila âyan kuya.â
âIka niya, taon-taon ay dinadalaw sila ng ibaât ibang problema â tulad ng patubig, mataas na presyong abono, mataas na upa sa patanim pero pagdating ng anihan, napakamura ang presyo ng kanilang inaaning palay sa merÂkado.
Dahil walang ibang pagkakitaan kundi sa bukid, wala raw silang karapatang magÂreklamo dahil kailangan nilang mabuhay, nagtitiis sa kakaÂrampot na kita na nagtagal nang dekada, umaasa na darating din ang maaliwalas na bukas.
Pero tila âdi na darating ang maliwanag na umaga sa pinsan ko dahil sa kanyang muÂling pagtawag kahapon sa akin â ang dating tahimik na âdi ko nakitaan ng daing sa dekada niyang pagsasaka ay ito biglang may problema.
Bulalas niya, balak na raw niyang huminto sa pagsasaka dahil wala nang nangyayari. Imbes na kumita, nababaon lang daw sa utang, lalo ngayong tumataas nang todo ang presyo ng diesel na napakaimportante sa modern farming.
Frankly speaking, nakababahala ang kuwento at biglaang desisyon ng aking pinsan na sa pakiwari koây daÂpat ikabahala rin ng bawat Juan at Maria na concerned at may malasakit sa lugmok na estado ng ating agrikultura.
Dahil ang kuwentong buhay magsasaka ng aking pinsan ay tiyak na kuwento rin ng marami pang âGerryâ sa sektor ng agrikultura na sa rami ng problema sa pagsasaka ay baka mauwi sa krisis sa pagkain ang Pilipinas.
Kapag nagkataon, paano makakamit ng paparating na administrasyon ang P20 a kilo rice na mithing mangyari ni incoming President Bongbong Marcos kung magkukulang ang bansa ng mga magsasaka o trabahador sa bukid?
Tahimik ang susunod na administration, pero dalangin ng aking pinsan harinawa, aniya, si incoming President Ferdinand âBongbongâ Marcos, Jr. na ang kasagutan sa napakatagal nang âsorry stateâ ng agrikultura ng Pilipinas.