Flight ban ng HK sa 9 na bansa aalisin na sa Abril

Flight ban ng HK sa 9 na bansa aalisin na sa Abril

March 21, 2022 @ 1:15 PM 3 months ago


HONG KONG- Binabalak ng Hong Kong na paluwagin ang ilang anti-COVID-19 measures sa isang buwan, kung saan aalisin na ang ban sa flights mula sa siyam na bansa kabilang ang Pilipinas, babawasan ang quarantine time sa arrivals galing abroad at muling bubuksan ang mga paaralan.

Inanunsyo ito ni Chief Executive Carrie Lam nitong Lunes, na makapagpapahupa sa mga kritisismo mula sa mga residente na dismayado sa restriksyon sa lugar, kung saan ilan ang umabot na ng dalawang taon.

Simula Abril 1 ay aalisin na ang flight ban, habang paiiksiin ang hotel quarantine sa arrivals csa pitong araw mula sa 14 sakaling mag-negatibo ang residente, base kay Lam.

Muli namang magbubukas ang mga paaralan sa Abril 19.

Isinara ang Hong Kong mula pa noong 2020, kung saan kaunti lamang ang pinapapasok dito. RNT/SA