Flights galing Pinas, 7 pang bansa 2 linggong naka-ban sa Hong Kong

Flights galing Pinas, 7 pang bansa 2 linggong naka-ban sa Hong Kong

January 5, 2022 @ 7:00 PM 7 months ago


HONG KONG- Inanunsyo ng Hong Kong ang two-week ban sa incoming flights mula sa walong bansa, kabilang ang United States at Britain, at naghigpit sa mga restriksyon nitong Miyerkules sa pangamba ng mga awtoridad sa ika-limang wave ng coronavirus disease (COVID-19) infections.

Inanunsyo ang mga restriksyon sa paghahalughog ng mga awtoridad sa contacts ng isang COVID-19 patient, kung saan ilan sa kanila ay sakay ng Royal Caribbean ship na pinabalik sa port.

Hindi papayagan ang incoming flights mula sa Australia, Canada, France, India, Pakistan, Pilipinas, Britain at Estados Unidos, mula Enero 8 hanggang 21, base kay Hong Kong leader Carrie Lam.

“We’re yet to see a fifth wave yet, but we’re on the verge,” sabi ni Lam.

Nakapagtala ang Hong Kong ng 38 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, kung saan isa lamang dito ang local community transmission.

Gayundin, sususpendihin ang mga klase sa Hong Kong “for the benefit of children”, ayon kay Lam. RNT/SA