Floating assets ng PCG palalakasin ng DOTr

Floating assets ng PCG palalakasin ng DOTr

August 18, 2022 @ 10:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na daragdagan ng admninistrasyon ang mga kagamitan at floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon kay DOTr Undersecretary for the Maritime Sector Elmer Sarmiento sa kanyang unang pagbisita sa PCG headquarters ngayong Huwebes ng umaga.

Sa panayam, sinabi ni Sarmiento na katunayan may request na ang PCG para dagdagan ang mga existing fleet,mga sarch and rescu vessels ,speed craft.

Nilalayon aniya nito na mapanatili ang nasabing mga karagdagan upang magkaroon ng kakayahan ang PCG na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Mayroon aniyang karagdagang dalawang bagong barko na 97 meter vessels ang sa ngayon ay patuloy na tinatalakay.

Sa kanyang pagbisita, isa-isang inispeksyon  ni Sarmiento ang mga assets ng PCG mula sa mga iba’t-ibang kagamitan tulad ng rescue boat, life boat, speed biat, jetski, chopper at ang barko ng Coast Guard na Cape San Agustin kasama si Coast Gurad Commandant Admiral Artemio Abu.

Ito ang mga asset ng PCG na kanilang ginagamt sa monitoring, pagpapatrolya, search and rescue operations, security at iba pa.

Maging ang mga personal equipment ng mga tauhan ng PCG ay ininspeksyon rin ni Usec. Sarmiento para malaman kung sapat ba ito sa mga hindi inaasahng pagkakataon o kaya ay para sa pagbabantay sa karagatan.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Armand Balilo, layunin ng pagbisita ni Usec. Sarmiento ay para malaman ang mga pangunahing trabaho ng PCG gayundin ang mga plano at developments sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, si Usec. Sarmiento ang tumatayong immediate supervisor ng PCG at siya rin ang naatasan para ipabot ang mga nangyayari sa Coast Guard kung saan siya rin ang maaaring magbigay ng mungkahi kung ano ang dapat pang baguhin.

Kaugnay nito, nais rin malaman ni Usec. Sarmiento kung anong mga paghahanda ang ginagawa ng Coast Guard ngayong pagbabalik klase ng mga estudyante. Jocelyn Tabangcura-Domenden