Flood control program ng gobyerno, iimbestigahan sa Senado

Flood control program ng gobyerno, iimbestigahan sa Senado

July 19, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Senador Ramon “Bong: Revilla Jr. ng imbestigasyon ng Senado sa flood control programs at plano ng pamahalaan sa gitna ng pagbahsa sa maraming lugar sa bansa.

Naghain si Revilla ng isang resolusyon upang paimbestigahan  ang flash floods na nangyari sa Metro Manila at kalapit na lalawigan kamakailan.

“The country has repeatedly witnessed catastrophic flooding of communities. Matatandaan natin ang Ondoy at ang Yolanda. Naaalala pa rin natin ang Ulysses, and more tragic disasters in the recent decade,” ayon kay Revilla sa pahayag.

 “We cannot simply forget the unthinkable number of lives lost, complete devastation of areas directly affected, and the severe effects on living conditions and livelihood which led to a long-term negative impact on the health of many Filipinos and on the country’s economy,” dagdag niya.

Dapat ipaalam ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) at  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),  sa Kongreso kung ano ang kanilang pagkilos at plano na tugunan ang lumalalang problema sa pagbaha.

Tungkulin ng DPWH at MMDA sa koordinasyon sa local government units na ipatupad ang   Flood Management Master Plan for Metro Manila and Surrounding Areas Project.

“Mahalaga na maging maagap tayo at siguraduhing handa ang bayan bago pa man tumama ang sakuna. Hindi pwede ang petiks kung ang usapan ay ang kaligtasan ng taumbayan, at lalong hindi pwedeng magkibit-balikat kung ang problema ay paulit-ulit na pumepeste sa bayan,” giit ng senador.  Ernie Reyes