Flood control project ng DPWH sa Nueva Ecija nakumpleto na

Flood control project ng DPWH sa Nueva Ecija nakumpleto na

October 16, 2022 @ 4:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang flood mitigation structure nito sa Coronel Rver na magsisilbing unang depensa ng mga komunidad na naninirahan sa ilog sa Gabaldon, Nueva Ecija.

Sa ulat ni DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino, ang 830-lineal-meter flood ontrol structure ay binuo para sa mga residente dahil madalas na umapaw ang naturang ilog kapag may bagyo.

Magkakaroon din umano ito ng mabuting epekto sa mga lupain sa agrikultura at residential community dahil mababawasan na ang mga pagbaha.

Ang P81.4-milyon proyekto ay pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2022.

Bago rito, nakakumpleto na rin ng tatlong proyekto ang DPWH partikular na ang tatlong kalsada na magpapabuti naman ng sektor ng agrikultura sa mga bayan ng Bongabon, Gabaldon, at Llanera sa Nueva Ecija. RNT/JGC