Flood control projects prayoridad ng sunod na DPWH chief

Flood control projects prayoridad ng sunod na DPWH chief

June 14, 2022 @ 5:48 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni incoming Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Martes na tututukan ng ahensya ang mga proyekto para sa major river basins sa buong bansa upang maibsan ang epekto ng baha.

“Nakalatag na po yung, nakita ko na po yung mga plano sa Department of Public Works and Highways, lalong-lalo na yung mga plano sa major river basins throughout the country,” aniya.

“Ilalagay na lang po namin yung priorities, prayoridad dito ho sa mga river basins, kung ano ho yung dapat interventions that we have to implement kaagad ‘no para maibsan ho yung pagkontrol natin ng mga flooding problems,” patuloy ni Bonoan.

Sinabi ng presidente at chief executive offer (CEO) ng SMC Tollways na mahalaga ang flood control projects upang masiguro ang economic recovery ng Pilipinas.

“Ito po’y nakakaantala din po sa food production natin. At isa sa mga utos din po ni President Bongbong Marcos Jr. na kailangan po natin tingnan lahat ng production areas, tulungan natin para mapabilis natin yung economic recovery natin,” sabi ni Bonoan.

“Sabi nga niya sa’kin, dapat tingnan natin kung yung pwede nating gawin, suportahan natin yung agricultural areas, lalo yung sa farm-to-market roads. So, kaya yung mga water, rainwater impounding projects sa buong bansa, lalong-lalo na sa mga major production areas po,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ni Bonoan na itutuloy ang mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ni outgoing President Rodrigo Duterte. RNT/SA