Home NATIONWIDE 5.7K HVI nalambat sa ilalim ng Marcos admin

5.7K HVI nalambat sa ilalim ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Halos 5,700 drug high-value targets (HVTs) sa buong bansa ang naaresto mula nang umpisahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang crackdown sa ilegal na droga noong kalagitnaan ng 2022, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes.

Batay sa pinakabagong datos sa drug campaign na inilabas ng PDEA, may kabuuang 5,691 HVTs ang nadakip mula July 1, 2022 hanggang Feb. 29, 2024.

Naaresto rin ng mga awtoridad ang 84,291 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa 61,800 operasyon at nabuwag ang kabuuang 901 drug dens at isang shabu laboratory sa parehong panahon.

May kabuuang 32.44 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam, na kinabibilangan ng 4,353.81 kg. ng shabu, 50.51 kg. ng cocaine, 54,016 piraso ng ecstasy tablets, at 3,589.08 kg. ng marijuana.

Samantala, sinabi ng PDEA na 28,330 sa 42,000 barangay sa bansa na ang idineklarang “drug-cleared” habang nililinis pa ng mga awtoridad ang 7,181 iba pa.

Naabot ng mga barangay na ito ang drug-cleared status matapos ang paglalabas ng katibayan ng mga miyembro ng oversight committee sa barangay drug-clearing program, dagdag nito. RNT/SA

Previous articleTattoo artist kalaboso sa baril, granada
Next articleSibilyang nakasuot ng police uniform arestado