Floyd vs Pacquiao 2, malabo na

Floyd vs Pacquiao 2, malabo na

September 30, 2022 @ 2:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dumating kamakailan sa bansa si undefeated American boxer Floyd Mayweather para sa isang brand endorsement.

Ayon kay Floyd, nagbalik siya sa Pilipinas hindi lang para sa kanyang brand endorsement bagkus upang matulungan ang mas maraming Pilipino na itinuturing niyang kapatid, lalo na ang mga biktima na sinalanta ng super typhoon Karding.

Tinawag ni Floyd ang Pilipinas bilang kanyang kanyang “adoptive home.”

“When I come here, you guys embrace me with open arms and treat me so well, it is so nice,” wika nito.

Sa kanyang pagdating, hindi maiiwasan na matanong siya ng media kaugnay sa umuusok na balitang muli silang maghaharap sa ikalawang pagkakataon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Dito, tinapos na ni Mayweather ang mga espekulasyon para sa isa pang laban kay Manny Pacquiao matapos silang magkita sa Japan noong weekend.

“I’ve had my hard fights from 1987 to 2017. Now everything is just entertaining people and just having fun,” hirit nito.

Ang dalawang icon ay nagkita sa ring noong 2015, kung saan si Mayweather ang nanalo sa nasabing laban.JC