Flu-like cases sa 2022 sumirit ng 45%-DOH

Flu-like cases sa 2022 sumirit ng 45%-DOH

December 28, 2022 @ 7:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumirit ng 45% ang iniulat na influenza-like illnesses ngayong  2022 kumpara noong nakaraang taon, sinabi ng Department of Health (DOH).

Dagdag pa ng DOH, kabuuang 114,278 kaso ang iniulat sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Disyembre 3, kumpara sa kaparehong panahon noong 2921 na mayroong mahigit 78,000 kaso.

Paalala ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko, ang sintomas ng trangkaso o  tinatawag na flu ay halos pareho sa  COVID-19 kaya hindi dapat makampante  para sabihin ito ay trangkaso lang.

Ang mga simtomas ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, sipon, at ubo.

Sinabi ni Vergeire na ang pinakamahusay na paraan upang pamahalaan ang mga sakit na tulad ng trangkaso at upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ang mag-isolate kapag may mga sintomas, at magpasuri para sa COVID-19 kung maaari.

Dagdag pa ng Health OIC, ang trangkaso o flu ay maiiwasab katulad ng COVID-19 bastat sumunod sa mga pamantayang kakusugan at mag-iingat palagi. Jocelyn Tabangcura-Domenden