Flu vaccines sa Pinas hindi kapos — FDA chief  

Flu vaccines sa Pinas hindi kapos — FDA chief  

October 30, 2020 @ 6:23 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Walang kakulangan ng flu vaccine sa Pilipinas, batay kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo said on Friday.

“We did check with the flu vaccine suppliers wala naman silang sinasabi o dini-declare na shortage ng supply… As of now, there are no reports of flu vaccine shortage,” saad ni Domingo.

Ito ay makaraang humingi ng tulong si Quezon governor Danilo Suarez sa DOH at iba pang ahensya sa pagse-secure ng flu vaccines.

“Talagang nag-increase ‘yung demand dahil nga to protect everybody from the seasonal flu and pneumonia. Para hindi na natin ma-confuse with COVID-19, we wanted to get vaccinations,” punto ni Suarez.

“It’s not because the companies ay nakatutok sa COVID-19 kasi ibang arm naman ‘yun, ‘yung sa research and development part,” tugon naman ni Domingo. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...