‘Flying voters’ pinagbabaril; 1 patay

‘Flying voters’ pinagbabaril; 1 patay

May 11, 2022 @ 10:54 AM 2 months ago


BASILAN- PATAY ang isang hinihinalang flying voter habang sugatan ang lima pang kasama nito matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan nitong Lunes ng hapon sa labas ng polling center sa Tabuan-Lasa, Basilan.

Kinilala ang nasawi na si Ricardo Fabian, 47, ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City habang sugatan ang mga kasama nitong sina mga sugatan na sina Andy Reyes, 30, ng Barangay Mampang, Zamboanga City; Narrudin Gadjali, 29, ng Talipao, Sulu; Alnasri Jammang, 29, ng Talipao, Sulu; Bol Madjalis, 48, ng Tungkil, Sulu; at Hakim Munib, 38, ng Lanawan, Tabuan Lasa, Basilan.

Batay sa report ng Army’s Joint Task Force Basilan, dakong 2:00 PM naganap ang krimen labas ng polling center sa nasabing bayan.

Ayon kay Brig. Kinilala ni Gen. Domingo Gobway, commander ng Army’s Joint Task Force Basilan, katatapos lamang bumoto ng mga biktima ng bigla na lamang silang pinaputukan ng mga armadong lalaki na ikinasawi ni Fabian.

“Siguro sila ay mga flying voter. Hindi natin masasabi kung bakit sila nandoon, ” ani pa ni Gobway.

Sa ngayon inaalam ng mga awtoridad kung bakit nasa lugar ang mga biktima./Mary Anne Sapico