Folayang sasagupa sa ONE:X

Folayang sasagupa sa ONE:X

February 20, 2022 @ 10:13 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Babalik sa octagon upang patunayan namay ibubuga pa si two-time ONE lightweight world champion Eduard Folayang  upang sagupain si Muay Thai legend John Wayne Parr sa isang Muay Thai striking match sa ONE: X sa Marso 26 sa Singapore Indoor Stadium.

“LEGEND vs. LEGEND! Makakalaban ni Eduard Folayang si John Wayne Parr sa isang EPIC wushu vs. Muay Thai striking showdown sa ONE X!,” ayon sa ONE Championship sa kanilang FB page.

Ang 38-anyos na si Folayang, isang Southeast Asian Games gold medalist, Asian Games silver medalist, at isang Wushu world championship bronze medalist, ay isang kilalang wushu striker mula sa sikat na Team Lakay ng Baguio City.

Hawak ang rekord na 22-12 sa mixed martial arts, ang nalalapit na laban ni Folayang kay Parr ang kanyang unang pagpapakita sa ONE Championship cage sa isang striking only match. Samantala, ang 45-anyos na si Parr ay isang sampung beses na world champion na may kickboxing record na 133-34 na may 46 knockouts.JC