Food security, defense cooperation tinalakay nina Marcos, Polish envoy

Food security, defense cooperation tinalakay nina Marcos, Polish envoy

June 17, 2022 @ 3:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinag-usapan nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  at Poland’s Chargé d’Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz ang food security at pinahusay na defense cooperation matapos na mag- courtesy call ang huli sa una.

“Mostly, we arrived at the questions of food security in the Philippines and the contribution of Poland to assure food security, especially in the meat sector,” ayon kay Szczepankiewicz .

Sinabi pa ni Szczepankiewicz na pinag-usapan din nila ni Marcos ang  posibilidad na  ekstensyon ng kooperasyon pagdating sa  defense sector sa pagitan ng dalawang bansa, binanggit ang Poland manufactures Black Hawk helicopters para sa Philippine Air Force.

Binigyang diin naman ni Marcos ang kahalagahan ng digitalisasyon sa Pilipinas sa nasabing pag-uusap nila ni Szczepankiewicz, binanggit naman ng huli na ang  Poland ang unang  digitalized administration sa  European Union.

“Opportunities for the development of cultural and scientific cooperation and mainly in terms of the Polish scholarship for Filipino students. So we hope that some decision will be taken soon and very quickly and the President knew about some problems,” ayon kay Szczepankiewicz.

“Some of them were new to him, but he promised to clarify some issues and he expressed the feeling that we could do more. I would say that there are a lot of untapped opportunities,” anito sabay sabing nakagawa ng “very important commitments” si Marcos sa kanilang naging pag-uusap.

Napag-usapan din ang  giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa epekto nito sa ekonomiya.

“I informed him that around or more than 70 Filipinos crossed the Polish border from Ukraine [since] the beginning of the conflict and that we are working hard to assure the export of Ukrainian wheat that it’s creating a big problem in terms of the increase of the prices of bread and some commodities,” ayon kay  Szczepankiewicz.

Maliban kay Szczepankiewicz, nakipagkita rin si Marcos  kay  Ambassador of Bangladesh Borhan Uddin.

Ang mga ambassadors ng  Nigeria, New Zealand, at Australia  ay nakatakda ring mag- courtesy call kay Marcos. Kris Jose