Food security tinalakay nina PBBM, rice processing firm owners

Food security tinalakay nina PBBM, rice processing firm owners

November 5, 2022 @ 9:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  sa mga opisyal ng local rice processing firm, Chen Yi Agventures, para pag-usapan ang plano ng administrasyon na matamo ang food security.

Sa Facebook post, ibinahagi ng Office of the Press Secretary ang mga larawan ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kina  Chen Yi Agventures founders French Patrick François Renucci at sa asawa nitong si  Filipino-Chinese Rachel, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Nobyembre 4.

“Ngayong araw, tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga opisyal ng Chen Yi Agventures ang mga maaaring hakbang na magpapaigting sa pagsiguro ng sapat na pagkain sa bansa,” ang nakasaad sa ipinalabas na kalatas ng OPS.

Ang Pangulong Marcos, bilang kasalukuyang Kalihim ng Department of Agriculture Secretary, patuloy siyang  magsasagawa ng pakikipagpulong sa mga eksperto sa nasabing sektor para i-explore  ang mga estratehiya na makatutulong na makamit ang  national food security, ang naging pahayag naman Office of the President (OP) sa isa pang kalatas na naka-post sa kanilang  official Facebook page.

“To support the agriculture industry and its workers, the President, who also serves as the Department of Agriculture Secretary, continues to gather technical experts like the Chen Yi Agventures,” ayon sa  OP.

Matatandaang nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga kinatawan ng Private Sector Advisory Council (PSAC).

Batay sa ulat ng Office of the Press Secretary, isinagawa ang pulong ngayong hapon at tinalakay ang mga rekomendasyon para sa pagpapataas ng lokal na produksyon at suplay ng pagkain sa bansa.

Pinag-usapan din ang mga stratehiya sa paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka, pagsasaayos ng pondo at transportasyon ng mga produkto, at ang pagsusuri sa mga polisiya ng National Food Authority (NFA).

Una nang inihayag ng pangulo na mananatili ito bilang kalihim ng DA hangga’t hindi nagiging maayos ang produksyon ng pagkain sa bansa. Kris Jose