Football star Bienvenido Marañon, Pinoy na!

Football star Bienvenido Marañon, Pinoy na!

July 7, 2021 @ 7:00 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon.

Tinintahan ng Pangulo nitong Hulyo 2 ang Republic Act 11570 na nagre-require kay Marañon na mag- Oath of Allegiance to the Philippine Republic sa harap ng lehitimong authorized officer.

Ang Bureau of Immigration ay magpapalabas naman ng certificate of naturalization kay Marañon.

Ang batas ay kagyat na magiging epektibo matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation.

Si Marañon ay dumating sa Pilipinas noong May 2015 at naglaro para sa Ceres Negros Football Club, isa sa mga koponan sa Philippines Football League.

Binansagan siya bilang top scorer at pinarangalan bilang best import player noong 2017, 2018, at 2019.

“He dreams of building a family in this country, and raising his children surrounded by the kindness, humility, and hospitality that Filipinos are known for,” ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, isa sa mga may-akda ng batas.

“He also aspires to represent the Philippines as part of the national team vying in international competitions, and make the country known as one of the top teams in the world of football,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose