Football star Neymar makukulong ng 2 taon

Football star Neymar makukulong ng 2 taon

October 16, 2022 @ 9:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hihimayin sa isang pagdinig ang kaso ni Brazilian superstar Neymar da Silva Santos, Jr. kaugnay sa umano’y mga iregularidad sa kanyang ginawang paglipat noon sa ibang team na halos isang dekada na ang nakalipas sa Barcelona, Spain.

Gagawin ang pagdinig sa kaso ni Neymar halos isang buwan bago magsimula ang World Cup sa Qatar sa Nobyembre kung saan kasama ang Brazil.

Magbubukas ang paglilitis sa Barcelona sa Lunes kasunod ng kanyang paglipat noong 2013 mula sa Brazilian club.

Kasama ng 30-anyos na star ang kanyang mga magulang sa gagawing hearing dahil ito ang nagma-manage sa kanyang career.

Nahaharap ang tatlo sa kasong katiwaliaan uko sa mga negosyo, ayon sa ulat.

Sakali umanong mapatunayang nagkasala ang Paris Saint-Germain forward, maari umano siyang makulong ng dalawang taon at multa na 10 million euro o umaabot sa $9.7 milyong dolyar.JC