Footbridge sa tag-init, waterfalls sa tag-ulan; DPWH aaksyon

Footbridge sa tag-init, waterfalls sa tag-ulan; DPWH aaksyon

September 6, 2022 @ 7:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) na aayusin ang footbridge sa intersection ng Aurora Boulevard at Blumentritt Road na tila nagiging waterfalls sa tuwing umuulan.

Napag-alaman sa mga residente na kada-uulan ay mistulang falls ang nasabing footbridge dahil sa rumaragasang baha mula sa itaas at papunta sa ibaba

Kumalat at nag-trending ang bidyong ipinost ni Erickson MA ukol sa nasabing footbridge na nakuhanan niya noong Setyembre 4 sa kasagsagan ng tag-ulan.

“[Hindi] ko na kailangan mag out-of-town para maka-kita ng water falls, sa blumentritt lang meron na,” ani Erickson.

“Wala [nang] natawid [kasi] malakas ang ulan, at hangin, [at] agos pa [ng] tubig sa footbridge,” kwento pa niya.

Kaugnay nito sinabi ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR), na nagtayo ng footbridge, na pamantayan ang pagkakaroon ng ilang uri ng drainage sa isang footbridge upang maiwasan ang epekto ng talon na ito.

“Dapat may drainage para alagaan yan. Never on the stairs dapat ‘yung daloy ng tubig. Papatiyak po namin kung mayroon drainage, or kung mayroon ba, barado ba?” ani DPWH-NCR Director Nomer Canlas.

“Ang kaligtasan ang pinakamahalaga. Could you just imagine na may cascade ng tubig doon, at may taong papanhik? Kung may mga natuklasan, gagawin namin itong tama sa oras na ito,” sabi pa nito. Santi Celario