Forbes Park shooting sa bahay ng Pharmally exec kinumpirma ng NCRPO

Forbes Park shooting sa bahay ng Pharmally exec kinumpirma ng NCRPO

September 27, 2022 @ 6:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ikinagulat ng mga residente ang shooting incident sa subdivision ng Forbes Park nitong Lunes ng gabi, na kinumpirma ng Metro Manila police nitong Martes ng hapon.

Batay sa spot report mula sa National Capital Region Police Office, nagpadala ng SWAT personnel at tactical motorcycle riding units upang rumesponde sa tawag bandang alas-9:50 ng gabi nitong Lunes.

Tinukoy ng mga awtoridad ang suspek na isang nangngangalang Julius Cortez, driver at security guard, sa 14 Narra Street, South Forbes Park.

Dalawang pribadong security guards — Jay Ar Tomenio at Eugene Sitjar — ang natagpuang patay, base sa ulat. Binaril sa ulo si Sitjar at agad na namatay, habang ang kanyang kasama na si Tomenio ay nabaril sa baywang.

Sinabi ng isang saksi na si Bernard Saquing, na lasing ang suspek at humihingi ng pagkain bago barilin ang mga biktima.

Nakatakas si Cortez at sinabi ng Makati police na pinaghahanap na ito.

“After the shooting, the suspect fled from unkown direction and a continuous manhunt operation being undertaken (sic.) by SWAT and TMRU personnel of this station for possible arrest,” batay sa ulat ng Makati City Police Station. 

Narekober sa crime scene ang dalawang shell casings, tatlong fired bullets, at isang deformed 9mm caliber jacket. 

Naganap ang pamamail sa tahanang inuupahan umano ni Rose Nono Lin, dating congressional candidate na inimbestigahan sa Senado sa kanyang papel bilang treasurer at incorporator ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corp.

Malapit lamang din ang pinangyarihan ng insidente sa tirahan ni Duterte economic adviser Michael Yang, isa pang major player sa Pharmally fiasco na nagtago.

Sa parehong kalye rin lamang ang family mansion ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Sa 18th Congress, ipinag-utos ng Senate Blue Ribbon Committee ang pag-aresto kay Lin at apat pa sa hindi pagdalo sa hearing ng multibillion-peso transactions sa pagitan ng Pharmally at ng budget department. 

Hiniling ng mga abogado ni Lin ang temporary restraining order at injunction na ipatigil sa Senado ang pagkasa ng arrest order laban sa kanya sa loob ng 10 araw, sa kadahilangang kinakailangan umano niyang sumailalim sa surgery. RNT/SA