Forced evacuation ikinasa sa Polillo Islands sa Bagyong Karding

Forced evacuation ikinasa sa Polillo Islands sa Bagyong Karding

September 25, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagkasa na ng forced evacuation ang pamahalaan lalawigan ng Quezon sa mga residente ng Polillo Islands.

Ayon kay Quezon Governor Helen Tan ngayong araw, Setyembre 25, kagabi pa lamang ay inatasan na niya ang mga municipal mayors na magpatupad ng paglilikas dahil sa inaasahang hagupit ng Super Typhoon Karding.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pag-iikot ng mga tauhan ng municipal disaster office sa mga barangay lalo na ang landslide-prone areas.

Ang Polillo Islands ang isa sa mga inaasahan mapupuruhan ng Bagyong Karding na sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 4. RNT/JGC