Foreign diplomats, returning Pinoys galing Red List countries papapasukin na sa Pinas

Foreign diplomats, returning Pinoys galing Red List countries papapasukin na sa Pinas

December 7, 2021 @ 7:42 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na ang lahat ng Pilipino at foreign diplomats na darating sa Red List countries ay hindi kasali sa travel ban at papayagan silang makapasok sa Pilipinas.

Paliwanag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, sa bagong polisiya ay papayagan ang diplomats na makalusot sa travel ban sa ilalim ng resolusyong inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF) noong Nobyembre 25.

“We have already instructed our immigration officers in the different ports, as well as foreign airlines, about these travel ban exemptions for immediate implementation,” paliwanag ni Morente.

Ilan pa sa sakop ng naturang exemption ay Philippine officials at kanilang delegasyon sa official travel abroad, Philippine diplomats at kamnilang dependents na babalik sa bansa, Philippine foreign service posts personnel na darating para sa home office consultation o may mga approved leave of absence. RNT/FGDC