Balasahan sa DA hirit ni Imee: ‘Wag niyo lokohin ading ko

August 12, 2022 @1:14 PM
Views:
105
MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Imee Marcos na napatunayan lang ng “hindi awtorisado at mapanlinlang” na paggamit ng opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-aangkat ng asukal na pinalilibutan talaga ang Department of Agriculture ng mga smuggler.
Dahil dito, hiniling ni Imee kay PBBM na magpatupad ng malawakang balasahan, ilipat ang mga matataas na opisyal ng departamento at “buwagin ang mga kriminal na sindikato sa loob ng gobyerno.”
“Huwag niyong niloloko ang ading ko,” ani Imee.
Sa pagbanggit ng impormasyon mula sa mga lokal na producer ng asukal, sinabi ni Imee na tumaas ang presyo ng asukal sa mahigit P100 kada kilo dahil hinaharang ito ng mga nangungunang importer ng asukal, at may sabwatan umano ito sa mga opisyal ng DA.
Noong Huwebes, sinabi ng Malacanang na ikinasa na ang imbestigasyon sa pagpapalabas ng Sugar Order No. 4, na umano’y nag-utos sa pag-angkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal bukod pa sa na-import noong Mayo.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ilegal ang awtorisasyon sa pag-import. Sinabi niya na ang kautusan ay lumalabas na nilagdaan ni Undersecretary Leocadio Sebastian.
Sa parehong pahayag, nanawagan din si Imee ng imbestigasyon sa mga opisyal na umano’y sangkot sa pagbaligtad sa import ban sa swine-based processed animal proteins mula sa Italy at iba pang bansang apektado ng African Swine Fever.
“Sebastian himself acknowledged the medium risk posed by the importation of PAP, in the August 5 memorandum he signed to lift the ban,” ani Imee.
Sinabi niya na humigit-kumulang 1,000 baboy ang pinatay sa rehiyon ng Lazio ng Roma noong Hunyo upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.
Sinabi ng senador na ang pagpapahintulot sa pagpasok ng porcine PAP sa bansa ay maaaring magdulot ng muling pagkabuhay ng ASF, idinagdag na ang mga lokal na swine raisers ay nagpapagaling pa mula sa huling outbreak. RNT
Presensya ni Defensor sa MMDA meeting sinita ni Enrile; natalong kandidato, nagpaliwanag

August 12, 2022 @7:51 AM
Views:
86
MANILA, Philippines – Mariing kinuwestiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang presensiya ni dating Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor sa naging pagpupulong ng mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“What was Mike Defensor doing in that picture of the official function of Metro Manila Development Authority that was published in social media? Was he an official, a consultant, an adviser, a factotum of some sort of MMDA? He was a candidate and loser in the last election, wasn’t he? What was he in that picture? The boss of MMDA? ang isinulat ni Enrile sa kanyang sariling Facebook page.
“Is that now a proper decorum in our current political world? I suggest we should be very careful in not carelessly showing an arrogance of power in our behavior as public persons, especially if we are somewhat identified with the current regime. Please ladies and gentlemen be careful! The public is watching,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, bilang chief counsel ng Pangulo, mayroon siyang “legal and moral duty to protect Marcos from those who tend to take undue advantage of his kindness” at ang kanilang “seeming closeness to him.”
BIlang tugon, sinabi ni Defensor na kinausap niya si JPE sa usaping ito upang klaruhin ang kanyang naging presensiya sa MMDA meeting.
“Klinaro ko kay Manong Johnny kung ano ang naging participation ko during that meeting. First of all, I’m not an official, I’m not a consultant at hindi ako nagho-hold ng office sa MMDA. That is prohibited by law,” ayon kay Defensor.
“Nagkataon lang, doon sa meeting na ‘yun, ang pinaguusapan ay balik-eskwela. Because of my experience in the past, nung ako’y Chief of Staff, parati naming ginagawa ang balik-eskwela program,” dagdag na pahayag nito.
Giit pa nito na walang kautusan mula kay Pangulong Marcos na makasama sa MMDA meeting. Gayunman, nabanggit ng Pangulo na kailangan nilang tulungan ang gobyerno sa kanilang pribadong pamamaraan.
“Minabuti ng aking kaibigan at chairman ngayon ng MMDA na si Chairman Engr. Dimayuga, na mag-input ako sa pag-uusap… Wala akong suweldo diyan kahit singko at patuloy akong tumutulong kahit anong ahensya ng gobyerno,” ayon kay Defensor.
Sinabi naman ni MMDA chairman Carlo Dimayuga na walang official function si Defensor sa ahensiya. Inimbitahan lamang aniya niya ito upang humingi ng payo hinggil sa problema sa trapiko at programa na may kinalaman sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.
No comment naman ang Malakanyang sa usaping ito. Kris Jose
Maine at future biyenan, nag-asaran!

August 12, 2022 @7:29 AM
Views:
94
Manila, Philippines – Ibinuko ni Sylvia Sanchez sa Instagram na nakahanap daw ng katapat si Maine Mendoza at asawang si Art Atayde ng bully sa isa’t isa.
May mga picture ding ipinost ang multi- awarded actress showing Art and Maine’s riot bonding moments sa kanilang bahay.
Ani Sylvia, “Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa. Pareho silang bully. Ang sarap nilang panoorin, masaya. Love you both!”
Nilagyan pa ni Sylvia ng hashtags na B1b2, BullyMeetsBully, MasayangPamilya at MasayangTahanan ang post niya.
Matatandaang engaged na sina Arjo at Maine noong isang buwan pagkatapos ng tatlong taon bilang magkasintahan.
Their relationship came at a time na nasa kasagsagan ng popularidad ang tambalang Alden Richard at Maine na hindi ikinagusto ng mga AlDub fans.
Dahil engaged na sina Arjo at Maine ay tinanggap na rin ng AlDub nation ang realidad.
Hindi pa man ikinakasal, anak na ang tawag ni Sylvia sa kanyang mamanugangin.
Winelkam din ng kapatid ni Arjo na si Ria si Maine bilang future sister-in-law.
Altar date na lang ang hinihintay na ianunsyo nina Arjo at Maine. Ronnie Carrasco III
Mga opisyal na lumagda sa ‘illegal reso’ na pag-angkat ng asukal, nasa hot seat

August 11, 2022 @1:00 PM
Views:
154
MANILA, Philippines- Kasalukuyang nasa hot seat ang mga opisyal kabilang na sina Sugar Regulatory Administration chief Hermenegildo R. Serafica at Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian na di umano’y pumirma sa ilegal na Resolution No. 4 na nai- upload sa website ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na may kinalaman sa gagawing pag- angkat ng pamahalaan ng hindi bababa sa 300,000 metriko toneladang asukal.
“They are under investigation. There is no preventive suspension issued as of right now,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa press briefing sa Malakanyang.
“Alam nila ilegal, hindi naman baguhan sa SRA, syempre, hindi naman yung magiging dahilan para automatic alis ka dyan kasi naging iresponsable .Ang status nila, lahat po ng pumirma ay under investigation. Hintayin po natin today if a determination can be made na ma-issuehan sila ng preventive suspension order habang tumutuloy ang imbestigasyon. Pero kung mabilis lang ang imbestigasyon, makakakita tayo ng mga replacements very soon,|” ayon kay Cruz-Angeles.
Sa kabilang dako, naniniwala naman aniya ang Pangulo sa due process.
Makabubuti aniya na hintayin ng publiko na malaman ang dahilan kung bakit minadali ng mga nabanggit na opisyal ang importasyon ng asukal.
“Nag convene sila na walang kaalam- alam ang Presidente and bibigyan sila ng pagkakataon i-explain yung panig nila. pag hindi satisfactory ang kanilang mag explanations then the appropriate penalties will be imposed,” pagtiyak ni Cruz-Angeles.
Sinabi pa rin ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay “signed for by the President” ni Usec Sebastian na aniyay hindi otorisadong lumagda lalo pa’t hindi naman inotorisa ng Pangulo ang importasyon.
Lalabas ani Angeles sa imbestigasyon kung kailangan pa bang magtiwala ng Pangulo sa mga opisyales na nadadawit sa iligal na Resolusyon, matukoy kung may malisya at kapabayaan ang mga sangkot sa kontrobersiya.
Aniya pa, mula sa pagsisiyasat ay madedetermina kung ilan ang maaaring masibak.
Binigyang diin na ang Pangulong Marcos Jr na siyang Chairman ng SRA ang may kapangyarihan para magtakda ng anomang meeting at agenda habang wala ding Resolusyon na inotorisa ang Presidente.
“You don’t convene the Sugar Regulatory Board in the absence of the president and in the absence of any such approval on his part. He didn’t approve the convening. you can only convene the board with the assent explicit assent of the president and he didn’t make such an agreement,” aniya pa rin.
Nauna rito, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko tonelada ng asukal ng Pilipinas.
Bilang chairman ng Sugar Regulatory Board, nagdesisyon si Pangulong Marcos na “denied this in no uncertain terms,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa isang kalatas.
Nauna nang nagpahayag ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ng posibilidad na magkulang ang suplay ng asukal sa bansa ngayong buwan ng Agosto sakaling ipagbawal ng pamahalaan ang importasyon ng asukal.
Inihayag ng SRA na isa lamang sa 13 refineries ang operational dahil karamihan sa kanila ay tumigil na sa produksyon noong Mayo.
“If we rely on our local production alone and do not allow importation, by August, we won’t have enough sugar and we won’t have any carryover stocks for our needs in the coming months until production builds up,” pahayag ng SRA.
“Refineries also start later than the raw mills since refineries need to wait for raw sugar stock to build up before they can start refining,” giit pa nito.
Aabot ang carry-over stock para sa refined sugar ng bansa, ayon sa SRA, sa 144,000 metric tons.
“Our estimated refined sugar production is 771,000 metric tons giving us a total refined sugar stock balance of 915.000 metric tons,” patuloy nito.
Subalit ang estimated demand ng bansa para sa refined sugar ay 943,000 metric tons, na may average monthly demand na 83,000 metric tons.
Para sa mga indibidwal naman na hindi naniniwalang may kakulangan sa asukal, sinabi ng SRA na, “sugar shortage is real, it is not a figment of the imagination.”
“Those who claim otherwise either 1) do not have all the information they need to properly analyze the situation; 2) are just trying to manipulate perception to suit their own self-interest and hidden agenda; or 3) refuse to see what is right in front of them because of their own delusions.” Kris Jose
7 kabilang menor dinamba sa droga

August 11, 2022 @11:12 AM
Views:
99