Foreign minister ng India bibisita sa Peb. 13 – DFA  

Foreign minister ng India bibisita sa Peb. 13 – DFA  

February 11, 2022 @ 9:38 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibisita sa Pilipinas si Indian Minister of External Affairs Dr. Subrahmanyam Jaishankar mula Pebrero 13 hanggang 15 para sa working visit.

Nakatakda itong makipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. upang pag-usapan ang kasalukuyan at mga patutunguhan ng Philippine-India relations, kasama na ang usapin sa kalusugan, security cooperation, maging iba pang regional at global matters ng mutual interest.

“Minister Jaishankar’s visit is considered an affirmation of the commitment between the Philippines and India to further their relations in a post-Covid world,” lahad ng DFA.

Inaasahan ding rerebyuhin ang developments sa bilateral relations buhat noong Joint Commission sa Bilateral Cooperation na kanilang sinimulan noong Nobyembre 2020.

Dagdag dito, bibisitahin ng opisyal ang Indian community sa Maynila. RNT/FGDC