Foreign service exam oral test pinayagan na ng IATF

Foreign service exam oral test pinayagan na ng IATF

July 9, 2021 @ 6:18 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang oral test para sa Foreign Service Officers Examination (FSOE).

Itinakda ito sa Hulyo 28 hanggang Hulyo 30.

Inianunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gaganapin ito sa Department of Foreign Affairs.

Kinabibilangan ng FSOE ang qualifying test, preliminary interview, written test, at psychological test.

Dapat makakuha ang mga examinee ng 80 percent score sa written at oral examinations para makapasa sa FSOE.

Ang mga aplikante ay dapat isang Pinoy, permanenteng residente ng Pilipinas, nakapagtapos ng kahit anong four-year Bachelor’s degree course.

Kinakailangan din silang mayroon nang dalawang tawong work experience o nakapag-aral pa pagkatapos ng kolehiyo, o pwede ring pareho.

Ang mga makapapasa ay magiging Foreign Service Officers (FSO) na maaring tumanggap ng foreign o domestic assignments.

Ang FSO ay nagsisilbing principal assistant o assistant director sa DFA home office, bilang third secretary sa Philippine embassies or missions, o vice consul sa Philippine consulates. RNT