Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities para sa mga Pinoy – DMW

Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities para sa mga Pinoy – DMW

January 10, 2023 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Maituturing na maganda ang naging bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.

Isa na rito ang mabuksan ang maraming job opportunities sa abroad para sa mga Pilipino.

Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore ng maraming Pinoy health workers at isinasapinal na lamang aniya ang implementasyon ng protocol ukol dito.

Maliban dito ay nagbukas din ng oportunidad para sa mga gustong magtrabahong Pinoy sa Saudi Arabia na ayon kay Ople ay nangangailangan naman ng 6,000 Filipino workers.

Magugunitang nagkausap sina Pangulong Marcos at Saudi Crown Prince Muhammad bin Nayef sa Bangkok, Thailand ng dumalo ang dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation-Economic Leaders’ Meeting.

Sinabi pa ni Ople na may inisyal na pakikipag-usap na sila sa Portugal na nangangailangan din ng trabahador at kaugnay nito’y sinabi ni Ople na tutulak sila sa nasabing bansa sa 1st quarter ng taong ito.

Winika pa ni Ople na lalagda din sa pagtungo ni Pangulong Marcos sa Japan ang pamahalaang Pilipinas para sa panibagong bilateral labor agreement.

Samantala, tinuran ng DMW na ang demand ng ibat-ibang mga bansa para makuha ang serbisyo ng mga Pinoy workers ay bunga na din ng magandang reputasyon ng mga ito bilang mga mahuhusay at masisipag na manggagawa. Kris Jose