FOREIGN VISITS NI PBBM HUMAKOT NG INVESTMENTS

FOREIGN VISITS NI PBBM HUMAKOT NG INVESTMENTS

November 16, 2022 @ 11:24 AM 3 weeks ago


INAASAHANG malaking tulong sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya mula sa hagupit ng pandemya ang isinagawang pag-bisita ni PBBM sa iba’t-ibang bansa nitong mga nakaraang buwan kung saan bilyones na investment pledges ang hinakot nito.

Unang tinungo ng Pangulong Marcos ang Indonesia at Singapore noong Sept. 4 at 6 kung saan matapos na nakipag-pulong siya sa dalawang ‘heads of state’ ay malalaking negosyante naman ang kinumbinsing positibong maglalagay ng P804.78 bilyon panibagong negosyo sa ‘Pinas.

Samantala, makaraang dumalo si PBBM sa 77th United Nations General Assembly sa New York, agaran nitong ginawa ang anim na araw na pag-bisita sa Estados Unidos noong Sept.19 hanggang 24 kung saan tinintahan ang 3.9 bilyong dolyares na kasunduan hinggil sa investments na inaasahan naman na magbibigay ng trabaho sa 112,285 na mga kababayan natin sa bansa.

Mahalaga ang pagpasok sa bansa ng karagdagang negosyo ng mga dayuhan na itinuturing na economic stimulus upang tuluyan nang makabangon mula sa halos tatlong taong krisis dulot ng pandemyang covid-19.

Hindi lang malaking kontribusyon ng buwis ang ibibigay nito sa gobyerno kundi ang pagtugon sa kawalan ng trabaho ng libo-libong kababayang pansamantalang nawalan ng pagkakakitaan noong nagkapandemya.

Umaasa ang mga batikang ekonomista rito na babangon muli ang bansa sa ilalim ng panunungkulan ni PBBM na abala sa pag-iimbita ng mga dayuhan na tulungan ang sambayanan sa pamamagitan ng kanilang naglalakihang investments na pinaniniwalaang tanging solusyon upang tuluyan nang maka-rekober ito.

Naniniwala si PBBM na ang tulong ng mga karatig na mayayamang bansa ang sagot sa iba’t-ibang suliraning sadyang nagpapahirap sa nakararaming kababayan.

Anomang puna o reaksyon itext sa 09999388537/emailnormanlaurio17@gmail.com