Foreman kinatay ng tauhan sa inuman

Foreman kinatay ng tauhan sa inuman

February 3, 2022 @ 6:35 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Todas ang isang  Foreman matapos saksakin at gilitan sa leeg ng kainuman nito na kanyang tauhan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo patungkol sa trabaho sa construction site sa Quezon City, kagabj.

Kinilala ang biktima na si Rolando Feliciano Cruz, 52 anyos, may asawa, foreman, residente ng  No 2220 Pugpog Santa Cruz, Angat Bulacan.

Nakilala naman ang suspek na si Jerwin Torres, nasa pagitan ng edad 35-40, temporary stay-in  sa construction site sa  No. 907 Aurora Blvd. Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Q.C.
Base sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 11:08 ng gabi (February 2), nang maganap ang insidente sa  Construction site.

Sa imbestigasyon ni Patrolman Nestor V Ariz Jr. ng CIDU, nasa loob umano ng barracks ang anak ng biktima na si Roland habang nakikipag-inuman ang ama sa suspek.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig umano ni Roland na mainitang nagtatalo ang kaniyang ama sa suspek tungkol sa kanilang trabaho kaya lumabas ito ng barracks upang umawat.

Pero papalapit pa lamang si Roland nang biglang saksakin ng suspek ang  kanyang ama sa kaliwang bahagi ng katawan, at hindi pa nakuntento ay ginilitan pa ito sa leeg at pagkatapos ay  itinapon ang ginamit na kutsilyo saka mabilis na  tumakas.

Patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang kapulisan upang madakip si Torres. Jan Sinocruz