Forensic expert sa bangkay ng mga preso sa punerarya: Kawawa ‘yung patay

Forensic expert sa bangkay ng mga preso sa punerarya: Kawawa ‘yung patay

November 12, 2022 @ 1:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagtungo ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun onitong Sabado sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City upang suriin ang mahigit 100 nakatenggang bangkay ng mga preso mula sa New Bilibid Prison.

Sa media interview, sinabi ni Fortun na 50 mga labi lamang ang “suitable for examination,”habang ang iba ay “mummified.”

Mayroon pang 166 bangkay ang hindi pa nakukuha sa punerarya.

“I saw about 50 remains na medyo maganda-ganda pa in terms of nandiyan ‘yung pinaka-recent na namatay and kahit papano mukhang suitable for examination. Only 50. Pinakita sa akin around 120 plus daw as described earlier, ‘mummified remains.’ Tuyot, tuyot na. And I doubt if we could still see someting there,” paglalahad ni Fortun.

Sa nakitang kondisyon ng mga bangkay, inihayag ni Fortun na maraming dapat ayusin sa sistema ng para sa dignidad ng mga pumanaw.

“Kawawa ‘yung patay. Come on, give them dignitiy in them. Maraming puwedeng pag-aralan dito. Kasi ang tanong ko, ba’t namamatay ang mga preso? Ang dami? Compared to other institutions, hindi maganda itong record na ito,” giit ni Fortun. 

Sinabi ni rin niya na posibleng umpisahan ang autopsy sa sa susunod na linggo, at ang pagsusuri sa 50 abngkay ay pwedeng abutin ng isang buwan, na posibleng isagawa sa Philippine General Hospital.

Batay sa listahan mula sa Bureau of Corrections, karamihan sa mga pumanaw ay dahil sa umano’y acute myocardial infarction o heart attack, pneumonia, at cardiorespiratory arrest o biglaang pagtigil sa paghinga at paggana ng puso.

Nasawi naman ang iba dahil sa umano’y cardiovascular accident, habang isang preso ang umano’y nagpakamatay.

Hindi naman isinantabi ni Fortun ang posibilidad ng foul play sa ilang pagkamatay.

“‘Pag ang tao, kinulong mo, hindi expected ‘yan na mamamatay siya sa preso, lalo pa ‘yung mga bata,” sabi niya.

Nauna nang ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ikasa ang autopsy sa mga labi kasunod ng ulat na 2 sa 3 indibidwal ang namamatay sa New Bilibid Prison kada araw.

Sinabi ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano na posibleng magkasa ng legal na aksyon ang ahensya sakaling base sa pagsusuri ni Fortun.

“Alarming siya na ganon ‘yung kalagayan. That’s why we’re here para gawan ng paraan ’yung ganong problema. And napag-usapan namin initially kung ano ‘yung puwedeng maging policy change,” ani Clavano. RNT/SA